Wednesday, May 13, 2009

Uha...Uha...Uha...




UHA…UHA….UHA…

Uha…Uha…Uha…” Ito ang unang katagang maririnig mo sa sanggol sa pagkasilang na pagkasilang pa lamang niya mula sa ina. Isang malakas na “uha....uha...uha....”

Na kung lilimiin ang ibig tukuyin ng sanggol sa kanyang pag “uha” pagkatapos maisilang, ito ay maaaring paghahayag ng isang pasasalamat. “Salamat at ako’y isinilang na sa mundong ito. Salamat at natapos na rin ang aking paghihintay. Salamat at aking nasilayan ang liwanag. Salamat sa aking ina na nagdala at nag-aruga sa akin habang ako’y nasa kanyang sinapupunan. Salamat!”

Ganito rin ang inihahayag ng inang nagsilang tulad ng sinabi sa John 16:21.

A woman giving birth to a child has pain because her time has come; but when her baby is born she forgets the anguish because of her joy that a child is born into the world.”

Lalo na nang marinig niya na ang malakas nitong “uha…uha…uha…” Pasasalamat at kagakalan ang nadama ng ina sa handog na kaloob ng Poong Maykapal.

Ang pag-iyak ng sanggol ay maaaring ring sigaw ng takot, ng pangamba, ng kawalan. “Ano na kaya ang naghihintay sa akin sa mundong ito? Ano ang magaganap, ano ang kasasapitan?” At isang malakas na “uha...uha...uha...” ang kanyang isinigaw.

Ganito rin ang nararamdaman ninuman kung dumarating ang takot, ang alalahanin, ang kawalan ng pag-asa sa mga nangyayari at nagaganap sa kapaligiran. Kapag naghihirap ang kalooban at nakararanas ng kapighatian, ng pagdarahop at kalungkutan. Kapag luha sa pisngi ay umagos na dahil sa pait na naramdaman, isang malakas na “uha” ang ating isinisigaw.

At kung paano ang sanggol sa kanyang pag-iyak ay nakakamit ang nais pagkat ina o ama ay agad tatalima kapag malakas niyang “uha” ang kanilang narinig. Gayundin ang ating natatanggap mula sa Ama sa langit. Agad Niyang iniaabot ang kamay upang tayo’y payapain.

The righteous cry out, and the LORD hears them; He delivers them from all their troubles.” (Psalms 34:17)

Uha…uha…uha...” – ito’y sigaw ng kagalakan, ito’y sigaw rin ng pagtawag sa Poong Maykapal.

Wag mangiming umiyak kung kailangan, pagkat nangako ang Diyos na tayo’y kanyang diringgin. “To the LORD I cry aloud, and he answers me from his holy hill.” (Psalms 3:4)

Tulad ng sanggol na agad tumitigil sa pag-sigaw ng malakas na “uha...” sa oras na siya’y buhatin ng ina o ama at ihimlay sa kanilang bisig, dahil doo’y nakadarama ng kakaibang kapayapaan at katiyakan ng pagmamahal, gayundin ang ating gawin. Pagkat sa bisig ng Diyos lamang tayo makasusumpong ng tunay na kapahingahan.

Uha…uha…uha...” ganito rin ba ang iyong pag-iyak?

Isang Pagbubulay-bulay sa Kanyang Salita.

Recommended Reading: Psalms 61:1-4

No comments: