Showing posts with label jeddah. Show all posts
Showing posts with label jeddah. Show all posts

Friday, October 10, 2008

A Visit to Kingdom Tower




Isang kapanapanabik na pagbisita sa Riyadh ang kamakailan ay naganap nang ang inyong lingkod kasama ng mga ibang delegates sa katatapos na Summer Break na ginawa sa Jeddah ay tumuloy muna sa Riyadh upang mamasyal bago bumalik ng Eastern Province. Though I've been in Riyadh many years back, having worked there for almost 10 years bago ako na-assign dito sa Alkhobar. However, may kakaibang damdaming muling mabisita ang Riyadh, especially now na maraming mga bagong magagandang tanawin tulad ng world-famous Kingdom Tower sa may Olaya, Riyadh, at maging ang Faisaliyah Tower.


Sinadya talaga namin na puntahan ang tinagurian pinakamataas na skyscraper sa Saudi Arabia, ang Kingdom Tower, na siya ring 40th tallest building in world with a height of 302 m (991 ft).


If you're coming from Jeddah or from the Eastern Region, malalaman mo na nasa Riyadh ka na kapag natatanaw mo na ang tuktok ng Kingdom Tower. Ito ang siyang nagsisilbing landmark ng Riyadh, at ng kabuuan ng Saudi Arabia.


Sadyang di makakalimutang karanasan ang mapunta at mabisita ang tower na ito kung saan ay aakyat ka sa tinatawag nilang Sky Bridge which is located above the 99 floors of the Tower, at doon ay matatanaw mo ang kabuuan ng Riyadh.


Marami ang bumibisita rito at nagsisilbing tourist spot sa mga turista (tulad namin, hehehe...), bagama't marami ring mga lokal o Saudi national ang sabik na puntahan din ito.


Habang ikaw ay nasa itaas nito ang feeling mo ay parang abot-kamay mo na ang langit. Paano kaya kung foggy at mababa ang ulap. Marahil ay mistulang nakasakay ka sa ulap. Yung nga lamang di mo na tanaw ang kabuuan ng Riyadh pagka't nababalutan ka na ng ulap.


Bumisita rin kami sa iba't ibang bahagi ng Riyadh tulad ng Batha kung saan siyang puntahan at tambayan ng mga Pinoy di lamang pag Huwebes at Biyernes, kungdi marahil araw-araw. Dito ay matatagpuan ang maraming mga pamilihan at mga lugar kainan. Pumunta rin kami sa tanyag na IKEA at bumili ng mga ilang ipapasalubong sa mga kasamahan sa Alkhobar. By the way, malapit ng buksan ang IKEA dito sa Eastern Region.


The next time around you visit Riyadh, don't fail to pass by these places, especially the famous Kingdom Tower. It would be an experience of a lifetime. Believe me.


Cheers and God bless!

Sunday, October 5, 2008

Leader That Builds - isang di malilimutang karanasan

Isang di malilimutang karanasan ang katatapos na Day by Day Summer Break na ginanap sa Jeddah nitong nakaraang Eid Holidays, mula October 01 hanggang October 03.
Ito'y isang bi-annual event kung saan nagkakatipon-tipon ang mga pamunuan ng Day by Day Christian Ministries mula sa tatlong rehiyon ng Saudi Arabia.
Matatandaan na ang huling conference ay ginanap noong 2006 kung saan ito'y idinaos sa Riyadh. Samantala, naghahanda naman ang Eastern Region sa susunod na conference kung saan tiyak na ito naman ang magho-host.

At tulad ng nakasaad sa theme nito na "Leaders that Build", marami ang nabuo sa tatlong araw na pagtitipong iyon.
Dito nabuo ang isang matibay na pagsasamahan bilang iisang pamilya ng Diyos sa DBD kung saan makikita ang pagtutulungan, pagmamahalan, pagbibigayan at pagpapatawaran.
Dito nabuo ang isang uri ng pagkakaibigan bilang magkakapatid kay Kristo na handang magbigay para sa kapakanan ng iba, magparaya para sa ikabubuti ng kasama, at umunawa sa pagkukulang ng kapwa.
Dito nabuo ang isang matatag na pananampalataya sa dakilang Diyos na lumikha, ang pagtalima sa kalooban Niya, at paghayo sa panibagong hamon sa paglilingkod sa Kaniya.

Salamat... salamat...

Salamat sa mga kapatid nating nakasama sa Jeddah at sa Riyadh. Salamat sa inyong maalab na pagsalubong at kaaya-ayang pag-aasikaso habang kami'y nasa Jeddah, gayundin sa Riyadh.

Salamat sa pamunuan ng dbd-Kanluran at ng dbd-Sentral.

Mula sa mga kapatid nyo sa dbd-Silangan.

Papuri ay sa Kanya lamang!