Friday, October 10, 2008

A Visit to Kingdom Tower




Isang kapanapanabik na pagbisita sa Riyadh ang kamakailan ay naganap nang ang inyong lingkod kasama ng mga ibang delegates sa katatapos na Summer Break na ginawa sa Jeddah ay tumuloy muna sa Riyadh upang mamasyal bago bumalik ng Eastern Province. Though I've been in Riyadh many years back, having worked there for almost 10 years bago ako na-assign dito sa Alkhobar. However, may kakaibang damdaming muling mabisita ang Riyadh, especially now na maraming mga bagong magagandang tanawin tulad ng world-famous Kingdom Tower sa may Olaya, Riyadh, at maging ang Faisaliyah Tower.


Sinadya talaga namin na puntahan ang tinagurian pinakamataas na skyscraper sa Saudi Arabia, ang Kingdom Tower, na siya ring 40th tallest building in world with a height of 302 m (991 ft).


If you're coming from Jeddah or from the Eastern Region, malalaman mo na nasa Riyadh ka na kapag natatanaw mo na ang tuktok ng Kingdom Tower. Ito ang siyang nagsisilbing landmark ng Riyadh, at ng kabuuan ng Saudi Arabia.


Sadyang di makakalimutang karanasan ang mapunta at mabisita ang tower na ito kung saan ay aakyat ka sa tinatawag nilang Sky Bridge which is located above the 99 floors of the Tower, at doon ay matatanaw mo ang kabuuan ng Riyadh.


Marami ang bumibisita rito at nagsisilbing tourist spot sa mga turista (tulad namin, hehehe...), bagama't marami ring mga lokal o Saudi national ang sabik na puntahan din ito.


Habang ikaw ay nasa itaas nito ang feeling mo ay parang abot-kamay mo na ang langit. Paano kaya kung foggy at mababa ang ulap. Marahil ay mistulang nakasakay ka sa ulap. Yung nga lamang di mo na tanaw ang kabuuan ng Riyadh pagka't nababalutan ka na ng ulap.


Bumisita rin kami sa iba't ibang bahagi ng Riyadh tulad ng Batha kung saan siyang puntahan at tambayan ng mga Pinoy di lamang pag Huwebes at Biyernes, kungdi marahil araw-araw. Dito ay matatagpuan ang maraming mga pamilihan at mga lugar kainan. Pumunta rin kami sa tanyag na IKEA at bumili ng mga ilang ipapasalubong sa mga kasamahan sa Alkhobar. By the way, malapit ng buksan ang IKEA dito sa Eastern Region.


The next time around you visit Riyadh, don't fail to pass by these places, especially the famous Kingdom Tower. It would be an experience of a lifetime. Believe me.


Cheers and God bless!

No comments: