DAPIT-HAPON
"I must work the works of Him who sent Me while it is day; the night is coming when no one can work." (John 9:4)
Sa mga manggagawa ang pagsapit ng dapit-hapon o yung oras na kung saan nag-aagaw na ang liwanag at dilim, ay kagalakang maituturing pagkat ito’y hudyat na tapos na ang buong araw na pagtratrabaho at sila’y makaka-uwi na sa kanya-kanyang tahanan upang ipahinga ang pagal na katawan.
Sakay ng pang-ararong kalabaw, ang magsasaka’y lululan na pauwi sublit ang kanyang pang-ararong gamit. Ang mga trabahador sa pabrika ay kanya-kanya ng bitbit ng baunan at magsisimula nang gumayak pauwi. Ang mga nag-oopisina’y nagliligpit na rin at isa-shut down ang computer upang ihanda ang sarili sa pag-uwi.
Bawat isa’y masaya pagkat makakauwi na’t makapagpapahinga.
Maging ang mga hayop at ibon sa himpapawid ay nagagalak pag sumasapit na ang dapit-hapon. Ang haring agila ay buong yabang na ikakampay ang pakpak at lilipad nang pagkataas-taas patungo sa bundok na kanyang tinitirhan. Ang tandang ay buong lakas namang titilaok upang ipagbigay-alam ang pagsapit ng oras na iyon, habang ang mga inahin ay hahapon na sa tuktok ng bakuran at ang mga sisiw ay buong sigla magsisipag-uwian mula sa panginginain.

Ang bubuyog at paru-paro, ang tutubi't tipaklong pati na ng ibong pipit ay pawang masasayang uuwi sa kanya-kanyang tirahan pagkat isang buong araw ay natapos na.
Lahat sila’y masaya sa pagsapit ng dapit-hapon.
Ganito rin kaya ang ating nadarama kapag sasapit na ang dapit-hapon ng ating buhay, o yung tinatawag nating “the twilight years of our life”? Panahon kung saan malapit na ang pag-uwi sa tahanang inihanda sa atin ng Panginoon. Makangingiti ba tayo at buong siglang masasabing “tapos na”.
Tulad ni Pablo na nag-ukol ng buo niyang buhay sa paglilingkod sa Panginoon, masasambit din ba natin ang katagang “I have fought the good fight, I have finished the race, I have kept the faith”? (2 Timothy 4:7)
O tayo’y manghihinayang pagkat maraming oras at panahon na nasayang sa ating buhay. Mga pagkakataong nagamit sana sa paghayo at paglilingkod sa Kanyang ubasan, subalit di na magawa pagkat sumapit na ang ating dapit-hapon.
Maging ang ating Panginoon ay nagwika sa kanyang mga disipulo sa John 9:4, “Dapat nating gawin ang mga ipinagagawa ng nagsugo sa akin samantalang araw pa; dumarating na ang gabi at wala ng makagagawa pa.”
Sikapin natin kung gayon na wag abutan ng dapit-hapon at saka lamang tatalima at kikilos, pagkat kung magkakagayon, maaaring di matapos ang dapat sana’y ginawa na natin noon pa.
Wag magtamad-tamaran, gumising, tumindig. Simulang maglingkod sa Panginoon hanggang may araw pa. Dumarating na ang gabi. Magdadapit-hapon na.
Hihintayin mo pa ba ang dapit-hapon bago tuluyang mag-alay ng oras at panahon para sa Kaniya? Hihintayin mo pa bang dumilim bago simulan ang dapat ay ginawa na natin?
Mas mainam na kapag sumapit ang dapit-hapon, tayo’y handa na at buong pagmamalaking masasabi sa sarili “tapos na”.
“I have fought a good fight. I have finished the race. I have kept the faith.”
Isang pagbubulay-bulay sa Kanyang Salita.
Recommended Reading: 2 Timothy 4:6-8

No comments:
Post a Comment