Hindi Kita Malilimutan
"Malilimutan ba ng ina ang anak na galing sa kanya? Sanggol sa kanyang sinapupunan, paano niya matatalikdan?"
Ito’y isang bahagi ng popular na awiting “Hindi Kita Malilimutan” na unang pinasikat ni Basil Valdez at ngayo’y inawit ni Gary Valenciano at sinaliwan ng makabagong tunog. Ang talatang nabanggit ay hango sa Isaiah 49:15, “Can a mother forget the baby at her breast and have no compassion on the child she has borne? Though she may forget, I will not forget you!”
Ito ang paniniyak ng Diyos sa mga Israelita na noo’y nagwika na sila’y kinalimutan at pinabayaan na ng Diyos.

“Hindi kita malilimutan, kailanma’y di kita pababayaan” – ang dugtong pa ng Panginoon. Ika’y naka-ukit na sa aking mga palad. (Isaiah 49:16)
Isang napakagandang pangako sa atin ng Diyos, sa lahat ng umiibig sa Kaniya at kumikilala sa Kanya bilang Panginoon.
Kung ang ating mahal na ina na sa ati’y nag-aruga simula pa nang tayo’y nasa kanilang sinapupunan hanggang tayo’y isilang (sa mundong ito) ay hindi nagsawang nagmahal sa atin at umunawa kahiman pulos problema at sakit ng kalooban ang isinukli natin sa kanilang pagmamahal, ang Diyos pa kaya na nag-alay ng Kanyang buhay para sa ating kaligtasan ang lilimot at magpapabaya sa Kanyang mga tunay na anak?
Minsa’y akala natin tayo’y di na mahal ng ating magulang, ng ating ina o ama, pagkat pinagkakait sa atin ang anu mang ibigin, o kaya’y tayo’y iniwan at nangibang-bayan, dala ng mahigpit na pangangailangan. Subalit kung tunay na susuriin lamang ang kanilang puso, “malilimutan nga ba talaga ng ina ang sanggol na nagmula sa kaniya?”
Kailanman ay hindi. Sukdulan man ang sama ng loob na idinulot natin. Gaano man kasakit ang tinik sa dibdib na kanilang naranasan, hindi-hindi nila malilimutan ang sanggol na nagmula sa kanilang sinapupunan.
Gayundin naman ang tunay nating Ama sa langit na nagkaloob ng ating buhay. Sa Kanyang mga palad doon tayo'y nakaukit, patuloy na iniingatan at ikinukubli sa kamay ng kaaway.
“Hindi kita malilimutan” ang siyang wika ng Diyos sa atin.
Ikaw, naaalala mo rin ba Siya? Naaalala rin ba natin ang ating mahal na ina?
Ika'y nakaukit na sa Kanyang mga kamay. Ika'y nasa puso na ng iyong ina mula pa ng ika'y isilang.
Wag natin silang kalimutan.
Isang Pagbubulay-bulay Araw-Araw.
No comments:
Post a Comment