HIDDEN CAM
Sa Panulat ni Max Bringula
“He will bring to light what is hidden in darkness and will expose the motives of men's hearts.” (1 Corinthians 4:5)
Ang Hidden Cam scandal na pinagpipistahan ngayon ng tao involving Hayden Kho ay isang patunay na walang anumang itinago sa dilim na hindi mailalantad sa liwanag.
Pagkat ito ang tahasang sinasabi ng Salita ng Diyos, “He will bring to light what is hidden in darkness and will expose the motives of men's hearts.” (1 Corinthians 4:5)
Na anumang ginawang masama ay tiyak na mabubunyag. Pagkat ang kasalanan, gaano man natin ito itago, ikubli sa mata ng marami ay tiyak na maihahayag sa liwanag pagdating ng panahon. Ito’y tulad ng isang pinakawalang guided missile kung saan tiyak na tutumbukin ang target nito gaano man kalayo o saan man ito nagtatago. Tiyak na ito’y masusundan at matatagpuan.
Hindi maaaring tuluyang mamayagpag ang kasamaan. Hindi maaaring ang kasalana’y patuloy na managumpay. Hindi ito maikukubli sa mata ng Panginoon. Hindi maililingid sa Kanyang kaalaman. Pagkat mayroong animo’y hidden cam na nakasasaksi ng maling gawi at ito’y mabubunyag sa takdang panahon. Sa Kanyang hustisya at katuwiran, tiyak na ito’y mapaparusahan at ang kasamaa’y mayroong hangganan.
Ganito ang nangyari sa Sodom at Gomorrah. Ganito ang naganap sa panahon ni Noah. Ganito ang magaganap sa Nineveh kung hindi sila nagsisi’t humingi ng kapatawaran. Ganito rin ang mangyayari kung tayo’y di manunumbalik sa Kanya at babaguhin ang maling gawi. Dahil ang Diyos ay banal at hindi maaaring may karumihan at kasamaang mananatili maging sa mga anak Niya’t pinili.
Ganito ang nangyari kay Achan sa panahon ng pamumuno ni Joshua. Mababasa natin sa Joshua 7:13-14 ang utos ng Diyos na ilantad ang kasamaang itinatago at ang gumagawa nito sa kanilang kapulungan, upang ang tagumpay laban sa kanilang kaaway ay kanilang makamtan.
"There is an accursed thing in your midst, O Israel; you cannot stand before your enemies until you take away the accursed thing from among you."
Ito rin kaya ang dahilan kung bakit di tayo nanagumpay sa gawa ng kalaban. Kung bakit lagi tayong talunan?
Ito rin kaya ang dahilan kung bakit pagpapala Niya’y di lubusang makamit at maranasan?
Ito rin kaya ang dahilan kung bakit nanatiling payat ang ating espirituwal na buhay at di tayo lumalago sa ating pananampalataya?

Ito rin kaya ang dahilang kung bakit di lumalago ang Iglesyang ating kinabibilangan?
Pagkat mayroon tayong itinatago. Mayroon tayong ikinukubli.
Huwag ng hintayin pa na ito’y mabunyag at malantad sa liwanag, pagkat kung magkakagayon, labis na pagsisisi ang ating mararanasan.
Lumapit na sa Kanya. Isuko ang maling gawi’t kasalanan, humingi ng kapatarawan. Pagkat ang Diyos ay tapat at mabuti na magpapatawad sa atin at maglilinis sa lahat ng ating karumihan. (1 John 1:9)
Pakatandaan, may isang “hidden cam” na piping saksi sa bawat kasalanan at maling gawi natin.
“(And) He will bring to light what is hidden in darkness and will expose the motives of men's hearts.”
Isang Pagbubulay-bulay sa Kanyang Salita.
Recommended Reading: Joshua 7:16-26
No comments:
Post a Comment