ONE WAY
Sa Panulat ni Max Bringula
“Trust in the LORD with all your heart, and lean not on your own understanding; in all your ways acknowledge Him, and He shall direct your paths.” (Proverbs 3:5-6)
Napapangiti ako kapag aking naiisip at naikukuwento yung karanasan ko nang minsan akong makabisita sa Bahrain. Excited ako sa visit naming iyon sa dahilang it would be my very first time na makapagmamaneho sa loob ng kaharian ng Bahrain. Ikinuha ko ng permit ang aking sasakyan na ilabas ng Saudi upang siya naming gamitin doon.
At dahil nasanay ako rito sa Saudi (particularly dito sa Alkhobar) na pulos One Way ang daan, akala ko’y ganun din sa Bahrain. Kung kaya’t nang ako’y lumiko sa isang daan o eskinita roon ay may sumulpot na isang sasakyan pasalubong sa akin. Dala ng pagiging listo sa pagmamaneho, agad akong bumusina na medyo may kalakasan at nilingon ang nasabing driver ng sasakyan. Hindi naman po ako nagsenyas ng kamay na tulad ng ginagawa ng mga Saudis, o nagsabi ng “mouk mafi” subalit may pagka-matalim ang aking naging tingin.
Only to realize then na ako pala ang mali. Two way pala ang daan na iyon, subalit nang ako’y lumiko ay halos sakupin ko na ang buong daan pagka’t di naman kalakihan ang mga daan o kalsada roon. Hindi ko dapat sakupin yung kanyang lane. Nang mapagtanto ko ito, nasambit ko na lamang ay “Sorry po! Di po sinasadya.” Dagdag ko pa, “am sure makikita nila yung plate number ng sasakyan ko na Saudi”, mauunawaan nila kung bakit ganun ang aking pagmamaneho. Nag-justfiy pa raw.
Ano po ang kinalaman ng kuwentong ito sa ating Pagbubulay-bulay? Minsan ganito ang takbo ng ating buhay-Kristiyano. Ginagawa nating One Way ang dapat sana’y two-way na relationship natin sa Panginoon. Yung ating ibig ang nasusunod, yung ating sariling pamamaraan ang pinaiiral. Hindi natin binibigyan ng puwang ang tinig ng Diyos na sa ati’y nangungusap araw-araw. Sariling diskarte at hindi ang kalooban ng Panginoon ang nakapangyayari.
One way ang ating panalangin. Hiling lang tayo ng hiling, subalit di naman natin Siya pinapakinggan kung ano ang Kanyang ibig at dapat nating gawin. Hindi natin Siya dinirinig kung kaya’t yung ipinagagawa Niya’y di natin natutupad dahil hindi natin Siya napakinggan o ayaw nating pakinggan.
One way ang ating pakikitungo. Siya lang ang nagmamahal, umuunawa at nakaka-alala. Subalit tayo’y pulos sakit ng kalooban ang binibigay sa Panginoon. Ni hindi natin Siya naalalang pasalamatan kapag natanggap na ang hinihiling. Subalit nung oras na tayo’y dumadalangin, panay ang hikbi natin at pagsusumamo.
One way. Ganito tayo. Makasarili. Sarili lamang lagi ang iniisip at hindi ang kaluguran ng ating Panginoon.
Sabi sa Proverbs 3:5-6, “Trust in the LORD with all your heart, and lean not on your own understanding; in all your ways acknowledge Him, and He shall direct your paths.”
Sa Diyos tayo buong-pusong magtiwala. Huwag manangan sa sarili nating kaalaman, bagkus sa lahat ng bagay Siya ang paghariin sa ating buhay, at ang kalooban Niya ang makapangyari. Nang sa gayo’y itutuwid Niya ang ating landasin.
Tayo’y tumalima. Sundin ang ibig Niya at hindi ang sa atin.
Kung may One Way man na dapat nating daanan, ito’y ang daan patungo sa Kanyang kaharian. Kung may One Way man na dapat nating sundin, ito’y ang Kanyang mga kautusan na nakasaad sa Banal Niyang Salita.
Anong daan ang iyong tinatahak ngayon? Ito ba’y ang kaisa-isang Daan patungo sa kaligtasan at buhay na walang-hanggan?
Gaano tayo sumusunod at naglilingkod sa Kaniya? Ito ba’y may buong pagsuko at pagpapasakop sa Kaniyang kalooban at pamamaraan sa atin? O pinipilit pa rin natin ang sariling kalooban.
Isang Pagbubulay-bulay sa Kanyang Salita.

Recommended Reading: Matthew 7:21-27
No comments:
Post a Comment