NASAAN KA?
Ibinahagi ni Leo Amores (Guest Contributor)

But the LORD God called to the man, "Where are you?" (Gen. 3:9)
Nasaan Ka? Ang katanungang ito’y marami ang pag-gagamitan at magandang pagbulay-bulayan.
Sa mag-nobyo't nobya - ito ang madalas masambit kung ang isa sa kanila ay hindi sumipot sa kanilang tipanan. “Nasaan ka? Ba’t mo ako inindiyan?”
Sa mag-asawa - ito rin kadalasan ang naibubulalas ni kumander pag si manedyer ay di umuwi ng gabi at inumaga na ng dating. “Saan ka nanggaling?” yan ang bungad agad ng iyong misis, pagkabukas na pagkabukas pa lamang ng inyong pintuan, habang nakapandilat at nakapameywang.
Ito rin ay nababanggit kapag tayo'y may hinahanap na isang bagay na dapat sana ay andun lamang sa kanyang kinalalagyan subalit di mo makita. “Nasaan na? Dito ko lang inilagay yon huh.” At mapagbabalingan na kung sino-sino dahil sa inis at yamot.
Sa Kanyang Salita na ating pagbubulay-buluyan sa Genesis 3:9, ganito rin ang tinuran ng Diyos nang hanapin at tawagin Niya si Adan, "Nasaan Ka?"
Pagkat nung mga oras na iyon ay nagtago si Adan at Eba sa Diyos dahil narinig nila ang yapak at tinig Niya. Sila’y natakot pagkat sinuway nila ang utos ng Diyos na huwag kakainin ang bunga ng punung-kahoy sa gitna ng hardin, at nahihiya pagka’t sila’y hubad sanhi ng kasalanan. Ito’y dahil nang kanin nila ang bunga, nalaman nilang sila’y hubad. Kung kaya’t kumuha sila ng dahon ng igos para ipantakip sa hubad na katawan.
"Nasaan Ka?" – yan ang tawag ng Diyos sa kanila. Bagama’t alam natin na ang Diyos ay makapangyarihan at batid Niya ang lahat ng naganap, nagaganap at magaganap pa. He is an omniscient - He knows everything. Walang maitatago sa Kanya
Kung gayon, bakit hinanap at tinawag ng Diyos sina Adan at Eba. “Nasaan ka?”
Ang tawag na ito at paghahanap ng Diyos ay maaaring ipakahulugan na:
Nasaan Ka, Adan nang kailangan mong tupdin ang ipinag-uutos Ko sa iyo?
Nasaan Ka, Adan nang kailangan mong tumindig at ipatotoo ang kabutihan Ko sa iyo?
Nasaan Ka, Adan nang kailangan mong magtiwala at panghawakan ang salita Ko sa iyo?
Sa ating buhay pag nakakagawa tayo ng kasalanan ay pinagtatakpan din kaagad natin ito at madalas pa nga ay itinuturo sa iba ang sisi. Hindi na tayo dumadalo sa gawain
pagkat nahihiya dahil sa nagawang kasalanan at pagsalansang sa Kanyang kalooban.
Wala tayong mukhang maiharap pagka’t nahihiya dahil iba ang ating ginagawa sa
sinasabi nating tayo ay anak ng Diyos, na dapat tayoy namumuhay sa Kanyang katuwiran at kabanalan.
Kung tayo ay wala sa gawain, tayo ay tinatawagan, tini-text, at tinatanong, "Nasaan Ka?"
Nasaan Ka nung nagba-bible study para pag-aralan ang salita ng Diyos at ipamuhay?
Nasaan Ka nang may practice sa music ministry para awitan at Siya'y pasalamatan?
Nasaan Ka last Friday para manambahan, papurihan at sambahin Siya?
Tulad ni Adan, si Jonah ay hindi rin tumalima at sumunod sa kalooban ng Diyos, kung kaya’t sya ay ipinakain sa malaking isda. Kaya dapat tayo'y tumalima sa Panginoon at tupdin ang ipinagagawa Niya sa atin. Dahil kung hindi maaring matulad tayo kay Jonah.
Malaking isda ang kakain sa atin, hindi sa pisikal kundi isang malaking problema sa pananalapi, sa pamilya,o maging sa ating mga trabaho.
Paka-isipin at pakalimi-limiin nating lahat na hindi maliit bagkus malaking problema ang ating susuungin kung tayo'y magbibingi-bingihan at magtutulog-tulugan sa Kanyang kalooban.
Kung kaya't dinggin ang tawag at tumalima sa Kanya.

Nasaan Ka? o Saan ka na nga ba?
Isang pagbubulay-bulay sa Kanyang salita.

No comments:
Post a Comment