A Celebration of Life (Alay kay Regeena)
ni Max Bringula
“A woman giving birth to a child has pain because her time has come; but when her baby is born she forgets the anguish because of her joy that a child is born into the world.” (John 16:21)
Wala ng sasaya pa sa kagalakang madarama ng isang magulang sa pagsilang ng sanggol na anak na pinakahihintay-hintay at pinanabikan. Sa pagkarinig pa lamang ng unang “uha’’ mula sa bibig ng munting sanggol, isang nag-uumapaw na sigla na at tuwa ang dumatal sa amang nagmamahal, habang ang ina nama’y may kakaibang ngiti sa labi kasabay ang sambit ng pasasalamat sa tagumpay na nakamit mula sa ibayong hirap na dinanas mailuwal lamang ang sanggol sa sinapupunan.
“Nang isilang ka sa mundong ito, laking tuwa ng magulang mo”.
Hindi maisalarawan ang sayang nadama, hindi maibigkas ng bibig ang tuwang nakamit. Tanging pasasalamat sa Poong Maykapal ang sinasambit sa dakilang kaloob Niya.
Ang pagsilang ng sanggol ay pagpapahayag ng katotohanang ang buhay ay mula sa Diyos. Siya ang may Akda. At ang buhay na taglay araw-araw ay Siya rin ang nagbibigay.
Kung kaya’t nararapat lamang na ipagdiwang ang bawat araw na dumaratal. Mula sa pagsilang hanggang sa tayo’y bumalik sa alabok, ating ipagdiwang ang buhay na kaloob Niya.
And there’s no better way to celebrate life but to live our life for His glory.
Ang pagsunod sa Kaniyang kalooban, ang pagtalima sa Kanyang mga tagubilin, ang pagganap sa Kanyang mga utos at aral – ganito natin ipagdiwang ang buhay na taglay.
Sa mga nagdaraos ng kaarawan, sa mga bagong silang na sanggol, sa mga bagong mananampalataya, sa mga bagong nagbalik-loob sa Diyos, sa mga bagong mommy at daddy, at sa lahat ng Kaniyang mga anak – halinang ipagdiwang ang bagong buhay na ibinibigay Niya.
Together, let’s celebrate life.
Isang Pagbubulay-bulay sa Kanyang Salita.
Recommended Reading: Luke 2:1-20
1 comment:
Bakit po ganun ung kamay ng baby sa picture, ang bastos?!
Post a Comment