PACMAN / SUNTOK SA HANGIN
“I do not fight like a man beating the air.” (1 Corinthians 9:26)
Panibagong karangalan na naman ang natamo ni Pacquiao na kilala ring si “Pacman” sa katatapos na laban nito kay Hatton. Sa loob lamang ng mahigit kumulang na isang minuto sa ikalawang round ay pinabagsak ni Manny ang pambato ng Kanluran na si Ricky Hatton at ito'y mistulang "London bridge is falling down...down...down..." (na nag-e-echo pa).
Bago pa rito ay napabagsak na ni Pacman ang kalaban ng dalawang beses sa first round, at ang ikatlong pagbagsak nito ang nagsilbing hudyat ng pagka-sungkit ni Pacman ng kanyang ika-anim na titulo sa larangan ng boxing kung saan ang People’s Champ ang tinuturing ngayong pinakamagaling na boksingero sa buong mundo.
Tunay na karangalan ng Pilipinas at bawat Pilipino si Pacman. Dahil sa kanya, taas-noo mong masasabi na “Pinoy ako!”
Gayunpaman, sa mga boksingero na nais agawin ang trono mula kay Pacman, siya ang kanilang “Public Enemy No. 1”.
Subalit sadyang walang makalulupig sa bagsik ng kamao ni Pacman na animo’y tsunami sa bilis kung rumagasa. Ito ay dahil bawat suntok na pinakawawalan ni Pacman ay sigurado at asintado. Walang mintis, tiyak ang pagtama sa mukha o katawan ng kalaban.

Hindi siya sumusuntok sa hangin kungdi sapul ang bawat dapuan ng kanyang kamao.
Ganito rin ang sinasabi sa Kanyang Salitang ating pinagbubulay-bulayan sa 1 Corinthians 9:26, “I do not fight like a man beating the air.” Hindi ako lumalaban na para bagang isang boksingerong sumusuntok sa hangin. Kungdi, tulad ko’y si Pacman - asintado, pulido, tiyak ang bawat suntok na pinakakawalan.
Sa buhay espirituwal, dapat suntok nati’y maging kasing-galing tulad ng kay Pacman. Kalaban natin ay bumabagsak agad sa unang round o ikalawang round pa lamang. At kung tatagal man dahil pursigido rin naman si Satan na ating kalaban na ika’y pabagsakin, dapat ang "the end" pa rin ng laban ay KO, napabagsak mo ang kalaban pagkat tiyak ang bawat suntok at di animo'y suntok sa hangin.
At tulad ni Pacman na nagbubuhos ng oras at lakas sa pagsasanay bago ang laban, tayo’y dapat ding nagsasanay ng husto, dinidisiplina ang sarili upang maging isang magaling na boksingero ng Panginoon. Nang sa gayo’y karangalan mula sa Panginoon ang ating kakamtin.
“No, I beat my body and make it my slave so that after I have preached to others, I myself will not be disqualified for the prize.” (1 Corinthians 9:27)
Ikaw ba’y sumusuntok sa hangin? Di tiyak kung tumatama ang suntok sa kalaban, at kadalasan ikaw pa itong na nana-knock-out?
Tulad ni Pacman na karangalan ng ating bayan, sikapin nating maging isang magaling na boksingero ng Panginoon na Kanyang ikararangal. Magsanay sa kabanalan, disiplinahin ang sarili upang maiwasan ang mga maling gawi, tupdin ang Kanyang mga tagubilin, at pagbulay-bulayan lagi ang Kanyang mga Salita. Nang sa gayo’y suntok nati’y di animo’y suntok sa hangin.
Ito’y paka-isipin at siyang ating gawin.
Isang Pagbubulay-bulay Araw-Araw.
Akda at panulat ni Max Bringula
(2009 copyrighted)

No comments:
Post a Comment