Humakbang Ka
Akda at panulat ng Daddy ni EJ
"Humakbang ka, Huwag kang matakot.
Lumaban ka, Huwag kang susuko.
Tibayan mo ang iyong tiwala sa Kanya"
Lumaban ka, Huwag kang susuko.
Tibayan mo ang iyong tiwala sa Kanya"
Ito’y lyrics sa chorus ng aking komposisyong "Humakbang Ka" na ilang beses ko na ring naawit sa iba’t ibang konsiyerto at gawaing aking napuntahan bilang panauhin o kabahagi nito. Sa awit na ito’y marami na ang nakarinig – mga estudyante, kabataan, mga kapatiran at kapwa-OFWs.
At sa aking bawat pag-awit, sa tuwing mabibigkas ko ang bahaging ito na nagsasabing “Humakbang Ka” ay may kung anong kalakasan akong nadarama na nagbibigay sa akin ng pag-asa, hamon at tibay ng pananampalataya sa Diyos.
Naging memorable sa akin ang pagkalikha ng awiting ito na ilang taon na rin naman ang lumipas pagkat nang panahong iyon maraming mga kahirapan, pagtitiis at pagsubok na dumating sa aking buhay kaalinsabay ng pagbuo ko ng awiting ito. Dumating ako sa puntong nais ko ng bumigay, nakaramdan ng panghihina at panghihinawa. Subalit napakabuti ng Diyos pagkat nang mga oras na iyon kung saan halos mahuhulog na ako sa bangin, iniabot Niya ang Kanyang kamay at sabay sabing “anak, kumapit ka sa Akin”.
Ang sarap namnamin ang panahong iyon. Damang-dama ko ang dakilang pagmamahal ng Diyos sa akin. Kung kaya naman buong ngiti at sigla kong ibinabahagi ang awiting ito saan mang dako at sa sinuman na may katiyakang pagsasabi na “Humakbang Ka”.
Totoo naman di ba? Kailangan talaga nating humakbang. Hindi natin kailangang matakot. Kailangan nating lumaban sa mga hamon ng buhay lalo na ngayong maraming kaguluhang nagaganap sa ating kapaligiran, mga recession sa trabaho, mga sakit, sakuna at iba pa. Dapat hindi tayo agad sumusuko at sa kabila ng lahat ng ito, kailangang tibayan natin ang ating pananampalataya sa Diyos na lumikha sa atin at lumikha sa lahat ng bagay. Siya na nakakaalam ng mabuti para sa atin. Siya na may hawak ng ating buhay.

Tulad ng binabanggit sa isang talata ng awiting ito "maraming hadlang sa harapan, nakakaakit sa katawan, di ko alam ang gagawin ako'y naguguluhan". Minsan dumarating ang oras na sa dami ng ating iniisip at mga problemang kinakaharap, tayo ay naguguluhan, di alam ang gagawin. Naapektuhan maging ang ating mga desisyon, pati na ang ating espirituwal na katayuan sa Panginoon. Kung kaya’t sa mga oras na ganito kailangan nating “Humakbang Ka”.
Naranasan ko ito. Na sa pamamagitan ng patuloy na pagtitiwala sa Diyos, narating ko at nakamit ang mga pangarap ko sa buhay sa kabila ng kahirapan. Nakatapos ako ng aking pag-aaral bilang working student. Magmula sa pagiging tagalinis ng kubeta, taga-polish ng mga sahig, taga-silbi, eto ako ngayon - sa tulong at biyaya ng Diyos may magandang trabaho. Naninilbihan pa rin naman subalit ngayo'y may taglay ng kagalakan kasabay ng patuloy na paglilingkod sa Kanya.
Hindi ko maisip na nakarating na pala ako ng ibang bansa. Malayo na rin pala ang aking narating dahil sa aking paghakbang. Dinala ako ng aking paghakbang dito sa disyerto. Sa susunod, baka sa malamig na lugar naman ako dadalhin ng aking paghakbang kung loloobin ng Dios.
Dahil sa pagtuturo sa aking ng Panginoon na humakbang, nakamit ko ang tagumpay sa aking buhay. Hindi lang sa materyal kundi higit sa lahat espirituwal. Sa Kanya ang kapurihan lamang.

Ngayon, nakatatak na sa puso ko ang mensahe ng awit na ito na kaloob ng Maykapal. Iba na ang aking pananaw. Natuto na akong humakbang, lumaban. Natutunan ko na rin ang buong pusong pagtitiwala sa Dios na nagbibigay ng tamang direksyon sa lahat ng nagtitiwala at sumusunod sa Kanya. Nakatatak na rin sa puso ko ang sinasabi sa Philippians 4:13 na "I can do all things through Christ who gives me strength."
Ikaw kapatid, kaibigan, at kababayan, nakararanas ka ba ng panghihina o panglulupaypay? Ikaw ba’y naguguluhan, natatako?
Isa lamang ang kasagutan sa iyan, "Humakbang ka, huwag kang matakot. Lumaban ka, huwag kang susuko. Tibayan mo ang iyong tiwala sa Kanya."
Marahil ito na ang panahon para patuloy tayong humakbang sa pananampalataya sa Kanya. Hindi bukas, kundi ngayon na.
“Humakbang Ka”. Simulan mo na.

Isang pagbubulay-bulay....
No comments:
Post a Comment