Sige… Mauna Ka
"If any one of you is without sin, let him be the first to throw a stone at her." (John 8:7)
“Sige… mauna ka!” Ito ang tuwirang isinagot ng ating Panginoon sa mga Pariseo at mga tagapagturo ng batas na noo’y nagtanong sa kaniya kung anong dapat gawin sa babaeng kanilang nahuling nangangalunya.
Kanilang ipinaalala ang nakasaad sa Batas ni Moses na ang ganitong kasalanan ay pinaparusahan ng kamatayan. At ito’y kanilang isinasagawa sa pamamagitan ng pagbato sa nagkasala hanggang sa bawian ng buhay.
"'If a man commits adultery with another man's wife--with the wife of his neighbor--both the adulterer and the adulteress must be put to death.” (Leviticus 20:10)
Maituturing na napakabigat ng kasasapitan ng sinumang nagkasala sa pangangalunya – kamatayan. Subalit kamatayan din naman ang kahahantungan ng lahat ng uri ng kasalanan. “For the wages of sin is death” (Romans 6:23) At walang sinuman din ang makapagsasabi na hindi siya nagkasala. “For all man have sinned and fall short of the glory of God.” (Romans 3:23)
All are guilty in the eyes of God. Ang lahat ay dapat parusahan.
Kung gayo’y paka-ingat daw tayo sa paghusga. Sa pagsasabing “Ikaw kasi eh. Kundi dahil syo” o kaya’y “kasalanan mo yan, magdusa ka.”.
Pagkat kapag tayo raw ay nagturo, kapag ginamit na natin ang ating hintuturo, tatlo sa ating daliri’y sa atin naman nakaturo, at nagsasabi naman ng “ikaw rin kasi” o kaya’y “ikaw nga rin eh. Mas masahol ka pa nga sa akin.”
Wag maging tulad ng Pariseo na padalus-dalos kung manghusga. Wag mag-asal na “holier-than-thou” o yung mas banal ako syo na kulang na lang na magkaroon ka ng “halo” sa iyong bumbunan o yung bilog na kumikislap-kislap na nagsasabing ikaw ay santo at santa at dapat “sambahin ka”.
Sa halip na manghusga, sa halip na magpataw ng parusa at mabigay ng masasakit na salita sa nagkasala – pakasuriin muna ang sarili. Kung sa wari mo’y walang kang kasalanan, “Sige, mauna ka.” Damputin ang bato at iyong ipukol.
"If any one of you is without sin, let him be the first to throw a stone at her."
Nang marinig ng mga Pariseo at ng mga taong naroroon ang sinabi ng Panginoon, isa-isa silang nagsipaglisan, simula sa mga matatanda hanggang sa mga naka-babata, hanggang ang Panginoong Hesus na lang ang natira at ang babaing nahuling nangalunya.
“Asan na sila” ang tanong ng Panginoon. “Wala bang humusga at nagparusa syo?”
“Wala po” ang tugon ng babae.
“Maging ako’y di kita huhusgahan at parurusahan. Humayo ka na at wag ng magkasala pa.”
Ikaw.. ako.. higit kaya tayo sa Panginoon? Hindi tayo makapagpatawad. Agad humuhusga sa mali at kasalanan ng iba, subalit tulad ng Pariseo - di naman mapulot ang bato upang siyang unang pumukol.
Kung ang tingin sa sarili’y walang pagkakamali’t pagkakasala, “Sige, mauna ka” – mauna kang pumukol ng bato.
Ngunit kung batid nating tayo rin ay tulad ng babaeng nahuli sa pangangalunya, na tayo’y nagkakasala, nagkakamali – “Sige, mauna ka” – mauna kang magpatawad at mag-abot ng kamay sa mga nagkakasala upang sila’y buhatin at akayin sa tamang landasin. At upang ikaw rin ay makakamit ng kapatawaran.
“For if you forgive men when they sin against you, your heavenly Father will also forgive you. But if you do not forgive men their sins, your Father will not forgive your sins (also).” (Matthew 6:14-15)

Sinong gustong mauna?
Isang Pagbubulay-bulay Araw-Araw.
No comments:
Post a Comment