Bukod Kang Pinagpala
“Count your blessings, name them one by one”.
Ito’y talata sa isang awiting madalas nating kantahin na naghahayag na tayo raw ay bukod na pinagpala sa lahat. Kung kaya’t dapat lang na magpasalamat lagi, bilangin ang mga pagpapalang natanggap at patuloy na natatanggap.
Sa Kanyang mga lingkod, ang pagpapasalamat ay likas na bahagi ng ating buhay. Ito’y animo’y bukal ng tubig mula sa kabundukan na di nauubos, bagkus patuloy na dumadaloy habang panahon at sa lahat ng panahon. In season and out of season, labi nati’y tigib ng pagpapasalamat – counting our blessings, one by one.
Subalit papaano ba magpapasalamat kung mahal sa buhay ay nakaratay sa karamdaman? Kung nakatanggap ng balita na di na ire-renew ang kontrata sa trabaho at maaaring mapauwi anu mang sandali? Papaano makapagpupuri kung mga bayarin ay patung-patong at halos di na yata nauubos at lalo pang nadaragdagan? Papaano maitataas ang kamay sa pasasalamat kung iniwan ng mahal sa buhay, tinalikuran ng kaibigan at iniwang nag-iisa at walang masandalan at matakbuhan sa oras ng pangangailangan?
Masasabi kayang ika’y bukod na pinagpala? Mabibilang mo kaya ang pagpapalang natanggap? Marahil wala kang maisip. Walang kang maalala dahil ito’y natabungan ng mga kalungkutang nadarama, naikubli ng suliraning nararanasan, naisantabi ng paghihirap na binabata, natakluban ng pasakit na patuloy na dinadala at mga alalahaning laging laman ng isipan.
Sabi sa turo ng isang preacher na aking narinig – may isang Kristiyano daw na nanalangin ng taimtim. Ang dalangin niya’y magkaroon ng sapatos na Nike. Yung bagong modelo dahil luma na yung nabili niya nung isang taon pa. Ito ang pinakakaasam-asam niyang makamit kung kaya’t lagi niyang itong binabanggit sa panalangin at siyang sanhi ng lungkot na kanyang nadarama kung minsan.
Isang araw sa kanyang paglalakad, may nakita siyang bata na putol ang isang paa, kipkip ang tungkod na siyang umaalalay sa kanya para makalakad ng matuwid. Sa tanawing iyo’y bigla niyang napag-isip – ang batang ito’y di kumpleto ang paa subalit siya’y payapa, may ngiti sa labi at di lubos na nag-aalala.
“Subalit ako kumpleto ang paa, nakakalakad ng maayos na di kailangang gumamit ng tungkod. Bakit ako labis na nag-aalala? Bakit di ko magawang makangiti at magpasalamat kung ano ang mayroon sa akin.” - ang siyang paalala niya sa sarili.
“Sige, Lord… wag na pong Nike. Adidas na lang. “ Nyehh.. “joc…joc.. lang po.”, ang pabirong naidagdag niya. ‘Okei na sa akin kahit wala. Mas maraming dapat ipagpasalamat.”
At yan ang totoo.
Lumingon lamang tayo sa ating paligid ay marami tayong makikitang dapat ipagpasalamat sa Panginoon – ang ating buhay, ang pagkaing natitikman sa araw-araw, ang hanging nalalanghap, ang lamig ng aircon na dumarampi sa ating balat, ang lamig ng tubig na ating naiinom, at marami pa.
Kung babalikan ang nakaraan sa ating buhay ay may masisilayan tayong kabutihang ginawa ng Diyos sa atin. Kung sino tayo noon at nasaan tayo ngayon ay isang pagpapalang di matutumbasan ng anumang halaga.
At kung tatanaw tayo sa malayo ay mamalas natin ang mga magagandang pangakong handog sa atin ng Panginoon. Pangakong nagdudulot sa atin ng pag-asa, ng sigla at kalakasan.
Sadyang napakaraming dapat ipagpasalamat. Lalo na’t kung tayo’y lubos na tatalima sa Kanyang utos at kalooban. Ganito ang sinasabi ng Kanyang Salita sa Deuteronomy 28:2-6, “All these blessings will come upon you and accompany you if you obey the LORD your God:
You will be blessed in the city and blessed in the country.
The fruit of your womb will be blessed, and the crops of your land and the young of your livestock--the calves of your herds and the lambs of your flocks.
Your basket and your kneading trough will be blessed.
You will be blessed when you come in and blessed when you go out.”
Ang dami pala. Tunay nga na tayo'y bukod na pinagpala.

Kung gayon, wag nating hayaan na matabingan ng ulap ang magandang sikat ng araw. Magpasalamat sa lahat ng oras at sa lahat ng bagay.
"In everything give thanks." (1 Thessalonians 5:18)
Isang Pagbubulay-bulay Araw-Araw.
1 comment:
Bukod kang pinagpala sa mga babaeng lahat
Parang sa "Aba Ginoong Maria yun ah, hehehe
Post a Comment