Wednesday, April 8, 2009

Naroroon Ka Pa Rin Ba?


Naroroon Ka Pa Rin Ba?

Were you there when they crucified my Lord?
Were you there when they crucified my Lord?
Oh..oh… sometimes it causes me to tremble, tremble, tremble.
Were you there when they crucified my Lord
?”

Ito’y hango sa isang awiting madalas kong naririnig noon kapag Semana Santa o Holy Week. Ang malumanay nitong melodiya at taimtim na pag-awit ay sadyang nagdudulot ng kakaibang hapdi at sakit na animo’y isang balaraw na itinuturok sa puso ninuman.

Naroroon ka ba nang ang ating Panginoon ay ipinako at nabayubay sa krus? Nang Siya’y hampasin at pahirapan. Nang Siya’y suutan ng koronang tinik. Nang Siya’y duraan, sipain, at laitin.

Dahil sa ating mga sala at ng sangkatauhan, ang ating Panginoon ay dumanas ng hirap at pasakit at kamatayan sa krus. Ang parusang dapat ay sa atin ipinataw ay Siya ang nagbata at umako.

But He was pierced for our transgressions,
He was crushed for our iniquities;
the punishment that brought us peace was upon him.
(Isaiah 53:5)

Ito’y dahil mahal na mahal Niya tayo. “Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan. Ibinigay Niya ang Kanyang kaisa-isang Anak upang ang sinumang sumampalataya sa Kaniya ay di na mapapahamak, bagkus magkakaroon ng buhay na walang-hanggan.” (John 3:16)

Tayo’y nororoon sa paanan ng ating Panginoon nang Siya’y nakabayubay sa krus. Ang ating mga sala at kalikuan ang nagdala sa atin doon.

Nadarama mo ba ang hirap at sakit na Kanyang tiniis para sa atin? Naririnig mo ba ang mga paglait na Kanyang tinamo? Nasaksihan mo ba ang pagturok ng koronang tinik sa kanyang ulunan at ang bawat hagupit na tumatama sa Kanyang likuran?

Naroroon ka pa rin ba magpa-hanggang ngayon? Dahil sa pagkakasala at patuloy na pagsuway ay nananatili roon.

Mahigit dalawang libong taon na ang nakalipas nang maganap ang lahat ng ito, subalit ang kaligtasan na dulot ng pagtanggap at pagsisisi sa ating mga kasalanan, ang pagkilala at pananalig sa ginawa ni Hesus upang tayo’y maligtas ay nananatili magpahanggang-ngayon at mananatili magpakailanman.

Kung kaya’t tayo’y dapat lumisan na sa lugar na pinangyarihan ng Kanyang kamatayan, at humakbang tayo patungo sa lugar ng Kanyang muling pagkabuhay – ng bagong buhay na kapiling Siya. Doon tayo dapat naroroon.

Kapatid, kaibigan, kasama.... saan ka naroroon ngayon?

Isang Pagbubulay-bulay Araw-Araw.

1 comment:

Life Moto said...

Tunay na ang Lord ay binigay nya ang buhay Nya para sa sanlibutan. tulad ni Pedro na matapang na sinabi nya na ipagtatanggol si Jesus.
Tulad natin masasai natin na naroon tayo para kay Lord. Pero sadyang malakas ang tukso.
Pasalamat tayo na meron tayong Diyos na mapagpatawad at mapagmahal.

BTW kuya I add you to my blog roll