Nanghihinayang
"I will not sacrifice a burnt offering to the Lord that costs me nothing." (1 Chronicles 21:24)
“Wala po bang libre” ang tanong na may pabiro ni Kosme kay Sadik na tindero ng alahas habang sinisipat-sipat ang kuwintas na kanina pa niya hawak-hawak at nais bilhin para ipang-regalo kay Juana na kanyang kasintahan. “Maganda sana kaya lang ang mahal” ang may panghihinayang niyang bulong sa sarili. “Saan kaya merong sale at doon na lang makabili?”
“Thank you, Sadik. I come back”, ang huling salitang binitawan ni Kosme at sabay alis upang magbaka-sakali sa iba kung saan merong Sale o mas mura o kaya’y libre.
“Wala na kayang libre ngayon! Ano ka?” ang sabat nitong si Bentong. “Ultimo mo nga garlic ng broastsed ngayon ay binibili na dati naman ay libre. 2009 na po ngayon. Hoy, gising!” ang sunud-sunod na sermon ni Bentong kay Kosme. Marahil sa pagkayamot sa kaibigan pagka’t kanina pa sila paikot-ikot at hinalugad na yata lahat ang tindahan ng alahas sa paghahanap lamang ng mura. Nanghihinayang sa halagang mababawas sa kanyang salapi kung saka-sakali. “Mainam na makatipid. Wais yata ito” ang pagmamalaki pa ni Kosme sa sarili.
Minsa’y ganito rin ang ating gawi. Kung saan may Sale andun tayo. Kung saan ang mura. Kung saan may libre. At may mga tao pa nga na talagang super galing sa pagtawad. Yung isandaang riyal ay nagiging sampung riyal na lamang. Kaya naman itong si Sadik ay napapakamot na lang ng ulo at napapa-iling sa pagkamangha (o sa pagka-inis siguro).
Gayundin din kaya tayo sa pagbibigay at paghahandog sa Diyos na siyang may akda ng ating buhay? Binibilang natin at sinusukat bawat kusing na lumalabas sa ating bulsa at tarheta de libreta?
Maging sa mga kaibigan at kasambahay, minsa’y tayo’y ganito. Gusto ngang magbigay pero ang ibig naman ay yung libre o nakuha lamang sa murang halaga. O kaya’y yung natanggap ding regalo ang siyang ipangreregalo. Nanghihinayang kapag napalaki o napamahal ang ibibigay.
Si Haring David nung siya’y sabihan ng Diyos na gumawa ng dambana para sa Kanya sa may giikan ni Araunah ay di pumayag na makuha ang lupang giikan kungdi di niya ito babayaran. (1 Chronicles 21:22-24)
Pagka’t nung bibilhin na ni Haring David ang lupang giikan, iminungkahi ni Araunah na wag ng bayaran, ibibigay na lamang niya ito. At hindi lamang ang giikan ang kanyang ibibigay, kungdi maging ang kanyang hayop na panghandog at mga panggatong at pati na rin ang mga butil na panghandog. “Inyo na pong lahat iyan” ang wika ni Araunah.
Subalit hindi pumayag si David. "No, I insist on paying the full price. I will not take for the LORD what is yours, or sacrifice a burnt offering that costs me nothing."

Hindi siya nanghinayang. Lalo na’t kung ang paghahandugan ay ang Diyos na Siyang makapangyarihan sa lahat. Siya na pinagmumulan ng lahat ng pangangailangan ng sangkatauhan.
Papaano kaya tayo maghandog sa Diyos? Nanghihinayang kaya tayo sa halagang ating ibinibigay. Papapano tayo maglingkod? Nanghihinayang kaya tayo sa oras na ating nagugugol. .
Ang Panginoon nang magbigay, He gives the best. He gives His very best. He gave His life for us.
Ikaw, papaano ka maghandog? Papaano ka maglingkod sa Diyos?
Tulad ka ba ni David? Nabibigkas mo rin ba ang katagang ““I will not offer anything to the Lord that costs me nothing”.
“Ibibigay ko ang lahat, buong puso ko’t kaluluwa, kalakasan at isipan.” Kahiman dulot nito’y pagpapakasakit, pagtitiis, pag-iisa kung minsan, pagpapakumbaba, at patuloy na pagsupil sa sarili sa layaw ng katawan.
O nanghihinayang ka pa rin. At umaawit ng “nanghihinayang… nanghihinayang ang puso ko.”
Isang Pagbubulay-bulay Araw-Araw.

No comments:
Post a Comment