Bukas Na Laang
"Do not boast about tomorrow, for you do not know what a day may bring forth." (Proverbs 27:1)
“Inshallah” – yan ang madalas kong marinig sa mga katutubo ng bansang ito, na ang ibig sabihin ay “kung ibig ni Allah, mangyayari” na may katumbas din sa ating lengguwahe na “Bahala na”, na ang ibig tukuyin ay “Si Bathala na ang bahala”. Kung ibig Niya, mangyayari.
Subalit ganito nga ba ang nais ipakahulugan ng mga salitang ito?
Si Bathala nga ba ang bahala? Ang Diyos nga ba na may lalang ng langit at lupa at may akda ng ating buhay ang bahala sa atin? At tayo’y sitting pretty na lamang na kukuya-kuyakoy sa beranda ng ating munting dampa o tahanan, o kaya’y sa silyang uugoy-ugoy?
Nanariwa tuloy sa aking alaala ang kwento nitong si Juan Tamad na makailang beses ko nang nabasa at narinig - na sa halip na umakyat ng punong bayabas upang kunin ang bunga nito na nais niyang kainin, ay humilata na lamang sa ilalim nito at ibinuka ang bunganga upang hintayin ang pagbagsak ng bayabas sa kanyang bibig na animo’y basketball ring na pagsiyu-shoot-an ng bola.
Ganito rin tayong maituturing kung ang bukam-bibig natin ay “bahala na” o kaya’y “bukas na laang”. Na laging ipinagpapabukas ang maaaring gawin sa ngayon. “Inshalla” ang sambit mo pa. Nahawa na yata.
Tulad ni Juan, tayo'y walang nais gawin kungdi ang humilata na nakabuka ang bunganga sa paghihilik at tulo-laway. Ayaw kumilos, ayaw magtrabaho. Laging bida ay “bukas na laang.” Subalit sino ang nakatitiyak ng bukas na darating?
Sabi sa Proverbs 27:1 na ating pinagbubulay-bulayan, “Do not boast about tomorrow, for you do not know what a day may bring forth.”
Maliban na tayo ang Diyos na nakakabatid ng magaganap sa bukas, hindi natin maisasangkalan ang bukas at tayo’y mapapabandying-bandying na laang.
Maraming mga pagkakataon ang nasasayang dahil sa ating di pagkilos – mga taong dapat sana’y nabahaginan natin ng Salita ng Diyos subali’t di na nagawa dahil banggit mo parati’y “bukas na laang”, hanggang ang taong nais bahaginan ay pumanaw na pala o kaya’y nadestino sa malayong lugar.
Mga gawain sa Iglesya na nabibinbin at di sumusulong, mga programang di naisasakatuparan dahil rason mo palagi’y “bukas na laang”, hanggang sa inabutan na ng pagbabalik ng Panginoon ay di pa rin nagagawa.
Mga plano sa buhay na di natutupad at nananatiling plano na lamang dahil sambit mo tuwina’y “bukas na laang”, hanggang sa inabutan ka na ng susunod na milenyo ay di mo pa rin nagagawa.
Mga pangakong napako dahil ang pagtupad ay ipinagpabukas-bukas na lamang. Salitang mistulang iginuhit sa buhangin, inilista sa tubig, ibinulong sa hangin.
At maging sa personal na buhay o sa buhay-espirituwal. Hindi tayo lumago-lago dahil sa katamarang mag-aral, magbasa at magbulay-bulay ng Kanyang Salita, manalangin at iukol ang panahon sa paglilingkod sa Kaniya dahil iniisip-isip natin palagi ay “bukas na laang”, bata pa ako't sariwa at marami pa akong nais gawin. I-enjoy ko muna ang aking life, na para bagang isang malaking pagdurusa ang sumunod sa kalooban ng Diyos.
“Bukas na laang” – yan ba ang madalas pa ring naririnig sa iyong bibig? Baka kaya di tayo pinapagpala at di nakakamit ang ating hangarin dahil tugon sa atin ng Maykapal sa ating dalangin ay “bukas na laang” din.

Ito'y iyong buong paka-isipin.
Isang Pagbubulay-bulay Araw-Araw.
Isang Pagbubulay-bulay Araw-Araw.
No comments:
Post a Comment