May isang nakatutuwang bagay ang mababasa natin sa Luke 12:7 na winika ng ating Panginoon na ang sabi'y ganito “Maging ang buhok ninyo’y bilang na lahat. Kaya, huwag kayong matakot, higit kayong mahalaga kaysa mga maya.”
Ganoon pala!
Makapal man ang buhok mo o ala na, alam Niya pa rin ang bilang niyon. Alam Niya kung ilan ang nalaglag o nalagas kamakalawa, at ilan ang malalaglag pa sa darating na bukas. Batid din Niya kung ilan na ang nabawas, at ilan pa ang natitira. Hanggang sa kaisa-isang hibla na lamang ng ating buhok ang matira ay alam pa rin Niya.
Sadya nga, pagkat ang ating Diyos na pinaglilingkuran ay isang Diyos na nakababatid ng lahat. He is an Omniscient God. Walang maililihim at walang maitatago sa Kanyang paningin. Kahiman tayo’y magpakatago-tago sa dilim, kita pa rin Niya tayo. There is no place on earth that we can hide from the Living God.
Sabi ng Psalmist, “If I go up to the heavens, you are there; if I make my bed in the depths (of the sea), you are there. If I rise on the wings of the dawn, if I settle on the far side of the sea, even there your hand will guide me, your right hand will hold me fast.” (Psalms 139:8-10)
Kung ganun, ano raw ang dapat nating ipangamba, ikatakot o ikabahala? Kung ang lahat ng bagay sa mundo at sa buhay natin ay alam Niya - ang naganap at magaganap pa. Kung kahit bilang ng buhok nati’y binibigyan Niya ng ganung kahalaga ng higit pa kaysa sa mga maya, kung kalagayan ng ating puso ay tanto Niya, wala nga tayong dapat ikabahala, ikatakot at ikapangamba.
Anu man ang nagaganap sa ating kapaligiran – tumaas man ang presyo ng langis o bumaba ang dolyar, may krisis man, bagyo o kalamidad – nakatitiyak tayong di Niya pababayaan. ‘Alam kong ako’y iyong tutulungan at pangungunahan” ang wika ng Psalmist sa verse 10 (Psalms 139).
Kung kaya’t ipanatag ang kalooban, ihimlay ang isipan at ipahinga ang pagal na katawan sa bisig ng Amang nagmamahal sa atin. Wag mangamba, wag matakot, wag mabalisa.
“Higit kayong mahalaga kaysa sa mga maya” ang wika Niya. Buhok mo nga’y bilang Niya, anu pa’t ang mga kailangan at hinahangad ng puso mo’y ang hindi Niya ibibigay?
Manalig at magtiwala lamang tayo sa Kaniya.
The next time around na tayo’y makadama ng takot at pangamba, haplusin lamang natin ang hibla ng ating buhok (meron man tayong mahaplos o wala na) at alalahanin ang katotohanang “kahit bilang ng buhok mo’y alam Niya”.

Isang Pagbubulay-bulay Araw-Araw.
No comments:
Post a Comment