"For those God foreknew he also predestined to be conformed to the likeness of his Son, that he might be the firstborn among many brothers." (Romans 8:29)
Ang ating pagbubulay-bulay sa araw na ito ay karugtong ng Romans 8:28 na ating tinalakay kahapon.
Sa nasabing talata, binabanggit na may mabuting layunin ang Diyos sa lahat ng nagaganap sa ating buhay – ito man ay maganda o hindi. Pagkat kaya ng Diyos na gawing mabuti at kapaki-pakinabang ang mga di kaaya-ayang karanasang ating pinagdaanan, pinagdaraanan at pagdaraanan pa.
God can turn unpleasant experiences into something good and beautiful. Ito’y sa dahilang ibig ng Diyos na maganap ang Kanyang dakilang layunin sa atin na Kanyang ipinahayag sa Romans 8:29 – ang tayo’y maging wangis ni Kristo.
“For those God foreknew he also predestined to be conformed to the likeness of his Son.”
Ang katotohanang ito’y ipinahayag na bago pa man likhain ng Diyos ang tao. Sa Genesis 1:26, ating mababasa ang ganito "Let us make man in our image, in our likeness…”
Gayundin sa Genesis 5:1, “When God created man, he made him in the likeness of God.” Nang gawin ng Diyos ang tao, nilikha Niya sila sa Kanyang wangis.
Ganito tayo noon. Tayo’y kawangis Niya hindi sa pisikal o panlabas na anyo because God is a Spirit. (John 4:24), kungdi sa espirituwal na kaanyuhan.
Tayo’y kawangis ng Diyos sa Kanyang kabanalan, kabutihan, katuwiran at pagmamahal. Ang kabanalan ng Diyos ay nasasaatin. Kung gaano Siya kabuti, matuwid, magmahal at magpatawad ay ganun din tayo.
Ganito tayo noon. Subalit dahil sa kasalanan na bumalot sa buong sangkatauhan, ang wangis ng Diyos sa atin ay napawi.
Paano kaya tayo ngayon?
Salamat na lamang pagkat sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Tagapagligtas, muling naibalik ang wangis ng Diyos sa atin, at araw-araw ito'y tumitingkad habang tayo'y Kanyang tinutuwid hanggang ito'y maging ganap sa araw na tayo'y haharap na sa Kaniya.
Kung kaya nga’t ang lahat ng bagay sa ating buhay ay pinagtatagni-tagni Niya upang matupad ang Kanyang mabuting kalooban – ang tayo’y maging kawangis Niya.

Ikaw ba’y kawangis na ni Kristo?
Ganito tayo noon. Paano kaya tayo ngayon?

Isang Pagbubulay-bulay Araw-Araw.
No comments:
Post a Comment