Isa Na Lang Ang Kulang
Tiningnan Siya ni Hesus ng may pagmamamahal at winika, “Isang bagay pa ang kulang syo. Humayo ka, ipagbili mo ang iyong ari-arian at ipamigay sa mga dukha (ang pinagbilhan) at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin.” (Mark 10:21)
Ito ang tinuran ng Panginoong Hesus sa mayamang lalaki na noo’y lumapit sa Kaniya at nagtanong kung papaano magkakaroon ng buhay na walang-hanggan.
Sa pamantayan ng tao, masasabing “fulfilled” na ang lalaking ito. Siya’y napakayaman. (Mark 10:22) At dahil mayaman, siya’y tanyag din at makapangyarihan. Anu man ang naisin niya’y kaya niyang kamtin at gawin.
Sa buhay-espirituwal, siya rin nama’y tapat na sumusunod sa utos ng Diyos. Nang siya’y tanungin ng Panginoon kung nasunod niya na ang lahat ng pinag-uutos, “wag kang pumatay, wag kang mangalunya, wag kang magnakaw, wag kang magsisinungaling, wag kang mandaraya, igalang mo ang iyong mga magulang,” ang sagot niya’y “opo, nasunod ko ng lahat ang iyan mula pa ng aking pagkabata”. Ang lalaking ito’y lumaki sa isang relihiyosong pamilya.
Subalit bagamat nasa kanya na lahat ang maaaring ibigin at hanapin sa isang tao, ang lalaking ito’y nakadama ng kakulangan. May kung anong bagay siyang hinahanap. May hungkag ang kanyang puso.
At ito’y nakita’t batid ng Diyos. Kung kaya’t winika ng Panginoon sa kanya, “isa na lang ang kulang.”
“Humayo ka, ipagbili mo ang iyong ari-arian at ipamigay sa mga dukha at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin.”
Nang marinig ito, namanglaw ang lalaki at malungkot na umalis.
Malungkot pagka’t siya’y napakayaman. Hindi niya kayang i-give up, iwanan o ibigay ang mga bagay na ito na kanyang niyayakap at labis na minamahal.
Hindi marahil ganito ang ipapayo ng Panginoon sa lalaking ito o maging sa sinuman, pagka’t di naman nais ng Diyos na tayo’y maghirap, bagkus ang hangad Niya’y buhay na masagana sa bawat isa – hindi lamang sa espirituwal kungdi higit sa lahat, sa materyal. Subalit nakita ng Diyos na labis ang pagyakap ng lalaking ito sa mga bagay na nabanggit kung kaya’t di niya makita kung ano ang sa kanya ay kulang, kung anu ang kanyang hinahanap.
Sayang. Kung sumunod lamang siya sa iniutos ng Panginoon, mapagtatanto niya kung ano ang kulang at hinahanap ng kanyang puso. Na ang kapunuan at kasagutan sa lahat ng bagay ay matatagpuan sa Panginoon lamang. Hindi sa materyal, hindi sa kapangyarihan, hindi sa katanyagan, hindi sa pagiging relihiyoso at pagsisikap na makasunod sa lahat ng batas ng Diyos at tao.
Ito ang katotohanang nabatid ng Psalmist nang kanyang winika, “The Lord is my Shepherd, I shall not be in want.” (Psalms 23:1)
Ikaw ba’y may nadaramang kakulangan? May hinahanap ka ba na di mo mawari kung anu at saan matatagpuan? May lungkot ka pa rin bang nadarama kahiman nasa iyo na ang lahat.
Pakinggan mo ang wika ng Panginoon, “Isa na lang ang kulang”.
Pakawalan mo ang sarili sa labis na pagmamahal sa salapi, sa kayamanan, sa katanyagan, sa kapangyarihan. Siya ang iyong unahin. Siya ang iyong ibigin ng buo mong puso, isip, lakas at kaluluwa. Siya ay iyong tanggapin at papasukin sa iyong puso bilang Panginoon mo't Tagapagligtas. At iyong mababatid kung ano ang kulang at kung ano ang tunay mong kailangan.
Isang pagbubulay-bulay.

No comments:
Post a Comment