Saturday, March 7, 2009

Nag-iisang Hari









Pasasalamat sa Nag-iisang Hari!”

Yan ang tema ng Unang Taong Anibersaryo ng Day by Day Christian Ministries – Bahrain kung saan ang inyong lingkod kasama ng Local Pastor ng dbd-Kanlungan, kErwinL at ang masipag nating diyakono ng dbd-Kanlungan, kBonn, ay dumalo sa natatanging gawaing ito para makipag-isa sa mga kapatiran sa Day by Day – Bahrain sa kanilang selebrasyon.

Tagumpay ang nasabing Gawain. Super to the max ang kanilang preparasyong ginawa. Ang ambience ay talaga namang fitting to the King of kings. Para sa mga Hari ng mga hari, dapat “the best” talaga ang ibinibigay. For this, I congratulate ang mga kaps natin sa dbd-Bahrain for a well job done, especially sa kanilang butihing tagapanguna, Pstr. EdB. Ang mensahe ng araw na iyong ay dinala ni Pstr. HermieM.

Salamat sa hospitality ng mag-asawang kuya RichardS at ate Malou at sa mag-asawang kuya RichardM at ate Tess, na nagpatuloy sa amin sa kanilang tahanan instead of us getting a hotel or a lodging.

I pasted here some photo shoots of the said event. I will post separately yung mga sidelights ng aming trip to Bahrain, plus other pics.

No comments: