Papuri sa ating Diyos sa tagumpay ng pagbubukas ng PBL Season 4 na ginanap nung Friday, 13 March 2009, sa Al Gosaibi Sports Complex.
Salamat sa mga kapatiran na nakibahagi sa nasabing okasyon mula sa labing-dalawang koponang lumahok at sa mga ibang sentro na naroroon upang saksihan ang buong programa na inihanda ng araw na iyon tulad ng parade ng 12 participating teams at ang pagbibigay ng awards para sa Best Muse, Most Organized Team at Best in Uniform.
Congratulations kay Ms. Janice Magsino (ng CLSF) na siyang tinanghal ng Muse of PBL Season 4. Gayundin sa UR Divine Desert University na tinanghal na Most Organized Team at sa DBD-Agape Basketball Team na nagwagi ng Best in Uniform.
Nais din naming magpasalamat sa mga tatay/lolo na kabahagi sa CWW sa kanilang paglalaan ng oras na makadalo, at kay kChito (ng DBD at Sumphonia Head) sa pagpapaunlak na maging instant host ng PBL Season 4.
Salamat din sa mga judges ng tatlong awards na ipinamahagi – kay Ate Norma ng OCF, kButch ng JCLORIM at kRoger ng JUSL.
Salamat sa mga nagdala ng pagkain na siyang pinagsalu-saluhan ng mga kapatiran para sa isang Family Snacks/Dinner fellowship na ginawa pagkatapos ng programa at bago simulan ang unang laro ng PBL Season 4 sa pagitan ng GMC at JCPP.
Sa mga Sports Coordinators mula sa iba’t ibang sentro, maraming salamat din sa inyo. Higit sa lahat sa masipag nating Sports Head Committee na si kLito Manuyag ng CLSF.
Ang nasabing okasyon ay isang makabuluhang gawain ng kabuuan ng CWW kung saan ang tema ay “Sama-samang Nagkakaisa sa Pagpapatotoo at Pagpapalakasan”. Inaasahan na ang palarong ito’y magdudulot ng bagong pag-asa upang lalo pang pag-igtingin ang pagsasama-sama at pagkakaisa ng mga lingkod Niya na kabahagi sa CWW.
Papuri ay sa Kanya lamang!

No comments:
Post a Comment