Sunday, March 8, 2009

Kasabihang-Pinoy at Ang Kanyang Salita


Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim.” Ito’y kasabihang madalas kung naririnig kay lolo’t kay lola. Isang kasabihang may katotohanang taglay lalo na’t kung gagamitin sa pang-araw-araw na buhay.

Yun nga lamang sa halip na tupdin, ito’y nabibigyan ng ibang anyo’t kulay. Ang tunay na kahulugan tuloy nito’y nawawaglit sa paglipas ng araw.

Sa halip, ang maririnig mo ay “ang lumalakad ng matulin, late na sa tipanan” o kaya’y “ang lumalakad ng matulin ay may utang” (ayaw marahil na maabutan o makita ng pinagkakautangan kung kaya’t simbilis ng ipo-ipo ang bawat paghakbang).

Marami tayong mga kasabihang-Pinoy na mula pa sa mayamang kaisipan ng ating mga ninuno o mga sina-unang lahi na ngayo’y iba na ang maririnig mo, tulad na lang ng -

Ang di marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan ay may stiff neck.”

Ang anak na pinalaki sa layaw, pag lumaki’y jeproks.”

Aanhin pa ang damo kung may shabu na.”

At kung anu-ano pa na ang tanging layunin ay magpatawa. "Hahahaha…. Hehehehe….joc…joc.. bulate lang po" ang pangangatwiran maririnig mo.

Subalit di katawa-tawa. Pagka’t ninanakaw natin ang gintong aral na hatid ng mga kasabihang ito.

Gayundin naman sa Kanyang mga Salita. Tulad ng mga kasabihang-Pinoy, ito’y dapat nating paka-ingatan na di mababago o makalimutan sa pagdatal ng panahon. Ito ang pinakadiin-diinan ni Moses patungkol sa Salita ng Diyos na ganito ang sabi -

Fix these words of mine in your hearts and minds; tie them as symbols on your hands and bind them on your foreheads. Teach them to your children, talking about them when you sit at home and when you walk along the road, when you lie down and when you get up. Write them on the doorframes of your houses and on your gates, so that your days and the days of your children may be many in the land that the LORD swore to give your forefathers. (Deut. 11:18-21)

Ang Salita ng Diyos ay dapat nating ingatan at pakatandaan pagka’t dulo’t nito sa atin ay buhay. Ito’y ating gawin at tupdin pagkat hatid nito’y patnubay at tagumpay. Isa-puso. Isa-isip. Gawin at di lamang dinggin.

Do not let this Book of the Law depart from your mouth; meditate on it day and night, so that you may be careful to do everything written in it. Then you will be prosperous and successful. (Joshua 1:8)

Kanyang mga Salita'y ating pagbulay-bulayan.

No comments: