"And we know that in all things God works for the good of those who love him, who have been called according to his purpose." - Romans 8:28
“Kaya pala!” ang iyong naibulalas ng may pagkamangha nang mamalas at mapagtanto mo ang buting idinulot ng isang mapait na pangyayaring naranasan.
“Tunay na napakabuti ng Diyos” ang dagdag mo pa.
Bilang Kanyang mga lingkod, tayo ay di exempted na dumanas ng mga kahirapan, pighati, kalungkutan, karamdaman at iba’t ibang di magandang pangyayari sa buhay. Andiyang tayo ay magkaroon ng malubhang karamdaman o ang ating mahal sa buhay, mawalan ng trabaho, masalanta ng bagyo, manakawan, iwanan ng minamahal, mabigo sa negosyo, ma-1-2-3, at marami pa.
In fact, kailangan tayong dumaan sa mga mabibigat na pagsubok upang higit pang dumalisay at maging matibay ang pananampalatayang ating taglay. Maging ang Kanyang mga tapat na lingkod ay dumaan sa ganito tulad ni Job, ni Joseph (the dreamer), ni Daniel at ang kanyang tatlong kaibigang si Shadrach, Meshach at Abednego, at maging si apostle Paul. Kung kaya’t tayo man din ay di exempted, kahiman batid nating tapat tayong naglilingkod sa Kaniya.
At tulad ng sinasaad ng Kanyang Salita na ating pinagbubulay-bulayan sa Romans 8:28, “And we know that in all things God works for the good of those who love him, who have been called according to his purpose.”
May kadahilanan ang mga pangyayaring ito sa ating buhay. May dakilang layunin ang Diyos, at ito’y mabuti. God has a good purpose in us.
Nagkakatagni-tagni ang lahat ng bagay at pangyayari sa ating buhay upang matupad ang mabuting kalooban ng Diyos sa Kanyang mga lingkod na iniibig at tinawag. At kahiman di mabago ang sitwasyon at manatili itong mahirap sa ating pakiwari at paningin, nakakatiyak pa rin tayong ito’y magdudulot ng magandang katuruan para sa atin.
Kung kaya’t sa halip na malumbay, manghinawa, magtaka o magtanong, tayo’y dapat pa ngang magpasalamat pagkat batid nating sa pamamagitan nito, tayo’y tumatatag sa ating pananampalataya at mananagumpay sa buhay Kristiyano. Subalit yan ay kung hahayaan nating makakilos ang Diyos sa ating buhay sa pamamagitan ng ating pagsunod at pagtitiwala sa Kanya anu man ang ating kalagayan at nararanasan.
Get excited. Pagka’t may mabuting ibibigay ang Panginoon kung ang pagsubok ay ating malalagpasan at mapagtatagumpayan. Ang araw ay muling sisikat pagkatapos ng isang makulimlim na panahon. Anu man haba ng isang lagusan (o tunnel), ito’y may hangganan pa rin na ating malalabasan.
Sa panahong nakararanas tayo ng ulan, bagyo at unos sa ating buhay, alalahanin natin ang sinasabi ng Kanyang Salita sa Isaiah 43:2 -
When you pass through the waters, I will be with you; and when you pass through the rivers, they will not sweep over you. When you walk through the fire, you will not be burned; the flames will not set you ablaze.
Ito’y titik rin ng isa sa ating inaawit, “Dumaan man ako sa ilog, di ako malulunod. Dumaan man ako sa apoy, di ako masusunog” - pagkat kasama natin ang Diyos.
May mabuting kalooban ang Diyos sa atin sa gitna ng pagdarahop, sakit at karamdaman, unos at bagyo sa ating buhay. At pag ito’y ating napagtanto, ating masasambit na lamang ay “kaya pala!”

Isang Pagbubulay-bulay Araw-Araw.
2 comments:
What is the purpose of God to those who obey him?
what is the theme of the Bible?
Hi francesca,
thanks for your comment. i appreciate. this series would have a continuation tomorrow. The purpose of God is also written on the next verse of Romans 8. In verse 29, it says we have "to be conformed to the likeness of His Son." This is God's good purpose.
Cheers and God bless.
Max
Post a Comment