Wednesday, March 25, 2009

Aanhin pa ang Damo?


Kasabihang-Pinoy #2 at ang Kanyang Salita

Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?”

Eh di ipakain sa kalabaw, o sa baka o sa kambing, o kaya’y sa kamelyo – ang pabirong wika na aking narinig. “Uu nga” ang tugon ko naman, kaysa naman masayang at malanta nang di mapapakinabangan.

Minsan ganito rin ang nagaganap sa buhay ng tao. Maraming mga bagay ang nasasayang dahil sa labis na kapabayaan. Maraming mga oportunidad at panahon ang lumalampas na di napapakinabangan dahil sa pagwawalang-bahala rito. Maraming mga relasyon ang nasira at nawasak dahil di pinag-ingatan at di isinasaalang-alang ang damdamin ng minamahal.

Sabi ng Kanyang Salita sa Psalms 90:12, “teach us to number our days aright”. Dapat matutunan natin na mapahalagahan ang bawat araw na dumaratal sa ating buhay, pagkat ito’y pagkakataong ibinibigay Niya upang maging kapaki-pakinabang at di masasayang lamang.

Ang bawat araw ay pagkakataong ating mapagyaman ang relasyon sa bawat isa – sa magulang, sa asawa, sa mga anak, kaibigan, ka-trabaho at maging sa mga kapatiran. Ito’y pagkakataong maipadama sa kanila ang ating pagmamahal, maipakita at masabi ng ating bibig.

Pagka’t kaylan pa sasambitin ang katagang “mahal kita”? Kaylan pa maririnig mula sa ating bibig ang “pinatatawad na kita”? Kung sila ba’y nag-aagaw buhay na, nakaratay at may karamdaman, o wala na at lumisan sa malayong lugar?

Kaylan pa? “Aanhin pa ang damo…” Nasayang lamang.

Ang bawat araw ay pagkakataon ding maibahagi sa mga mahal sa buhay at kaibigan ang kaligtasang handog ng Panginoon. Maikli lamang ang buhay ng tao. Ito’y tulad ng isang aso (o vapor or mist) – sandaling lumilitaw at pagkadaka’y nawawala agad. (James 4:14)

Aanhin pa ang kayamanan, kapangyarihan at katanyagan, kung ang kaluluwa nama’y napariwara. “What does it profits a man if he gains the whole world, but loses his very own soul?” (Matthew 16:26) Nothing. “Aanhin pa ang damo…” Sayang lamang.

Gayundin, ang bawat araw ay pagkakataong malasap at maranasan ang mga magaganda’t mabuting kaloob ng Diyos sa atin. “Ako’y naparito upang kayo’y bigyan ng buhay, ng buhay na masagana” – ang wika ng ating Panginoon. (John 10:10)

Pagka’t aanhin pa ang masasarap na lutuin kung wala ng panlasa o ito’y di na natin makakain? Kaylan pagmamasdan ang ganda ng tanawin, dadamhin ang himas ng hangin at magliliwaliw sa tubig sa batis? Kung tayo ba’y uugod-ugod na, may arthritis at may rayuma na? Sayang naman.

Wika ni Solomon sa Ecclesiastes 3:1, “There is a time for everything, and a season for every activity under heaven".

2 a time to be born and a time to die, a time to plant and a time to uproot,
3 a time to kill and a time to heal, a time to tear down and a time to build,
4 a time to weep and a time to laugh, a time to mourn and a time to dance,
5 a time to scatter stones and a time to gather them, a time to embrace and a time to refrain,

6 a time to search and a time to give up, a time to keep and a time to throw away,
7 a time to tear and a time to mend, a time to be silent and a time to speak,
8 a time to love and a time to hate, a time for war and a time for peace.

Atin nawang pagyamanin ang bawat araw na kaloob ng Diyos. Tulad ng sinasabi sa Kanyang salitang ating pinagbubulay-bulayan, “Teach us to number our days aright.”

Let us not just count the days aright, but let every day that comes counts.

Upang di sasasambitin kinalaunan ang katagang “Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo?”

Isang Pagbubulay-bulay Araw-Araw.

No comments: