Kasabihang Pinoy #1 at ang Kanyang Salita
"Ang naglalakad ng mabagal, kung matinik ay mababaw. Ang naglalakad ng matulin, kung matinik ay malalim."
Ano ba ang kahulugan ng kasabihang ito na pamana ng ating salinlahi kung ihahambing sa sinasaad ng Kanyang Salita?
May napakagandang aral na itinuturo ito – na ang pagplaplano at tamang paghahanda sa anu mang gagawin ay mainam at nagdudulot ng tiyak na tagumpay, at makapag-iiwas sa atin sa anu mang kabiguan.
Kung tayo’y may desisyong gagawin, ito’y paka-isipin ng lubos (maka-sampu o maka-isandaang beses sabi nga ng iba) upang maiwasan ang kalugihan, pagkatalo, at kabiguan. At kung may aberyang mang magaganap kung saka-sakali, ay di labis na malaki o masakit ang hapdi na mararanasan.
Ganito rin ang turo sa atin sa Kanyang Salita. Sa Proverbs 3:5-6, ito ang sinasaaad -

"Trust in the Lord with all thine heart and lean not thine own understanding. In all your ways acknowledge Him, and he shall direct thy path."
Mainam na ilapit sa Kanya ang anu mang gagawin. Ipagkatiwala sa Diyos na Siyang may batid ng lahat ang ating mga plano at hangarin. Sa lahat ng bagay, angkinin at kilalanin ang Kanyang patnubay, at tayo'y bibigyan Niya ng higit na tagumpay.
Gayundin naman, ang kasabihang nabanggit ay tumutukoy din sa padalos-dalos na gawi ng karamihan sa atin. Yun bang laging nagmamadali at ang nais ay mabilisan. Sabi nga ni ate Gee (dbd-KSA) sa kanyang panulat -
Sabi ng marami, sa panahon ngayon, di kailangan ang babagal-bagal. Kailangan daw na sabayan ang panahon kung saan lahat ay “fast” tulad na lamang ng mga fastfood at mga instant food na kinakain natin at mga gadgets tulad ng cellphone and digicams na sadyang napakabilis na magpalit ng modelo. Kasabay ng pagbilis ng lahat ng bagay sa paligid, maging ang hangarin ng mga tao ay sumusunod na rin. Tulad ng lamang ng mabilisang pag-yaman, promosyon sa trabaho, pagpapapayat, pagpapaganda, atbp.
Kadalasan sa paghangad ng marami na mapabilis ang lahat, nakakagawa ang mga tao, maging ang mga Kristyano ng mga bagay na hindi na ayon sa kagustuhan ng Panginoon dahil ‘short cut’ ang nais (sa halip na ang panahon ng Diyos ang hintayin).
Kung gayon, upang di mapahamak at manghinawa , sikaping makapag-laan ng oras at panahon sa piling ng Panginoon. Pagbulay-bulayan ang Kanyang mga Salita at ito’y tupdin upang tagumpay ay matiyak at di matinik ng malalim, pagkat -

Yan ang dapat pagkatandaan.
Isang Pagbubulay-bulay.
2 comments:
The FOM church in Hong Kong is so much bless with various topics in "Pagbubuay sa araw-araw" The church is airing the telegospel on phone everyday for the purpose of strengthening God's people in their everyday walk with the Lord Jesus Christ. Thank you very much! May God continue to empower you with wisdom to add more devotional articles in your website.
Pastor Johnny
Fishers of Men International Christian Ministries
amen po.nice...pde po irepost sa wall ko sa fb? ^_^
Post a Comment