Friday, February 27, 2009

DBD-EP 13th Anniversary Celebration






Papuri sa Diyos na kataas-taasan sa tagumpay ng pagdiriwang ng 13th Anniversary ng DBD-Agape, Eastern Province, KSA. Ito’y ginanap sa Bulwagan ng DBD-Pag-ibig (Dammam) nitong Biyernes, 27 February. Ito ang kauna-unahang pagdiriwang ng dbd-Eastern Province mula ng ito’y matatag noong taong 1995.

Full force ang attendance mula sa dalawang sentro ng dbd-Eastern Province – ang dbd-Kanlungan sa Alkhobar, at dbd-Pag-ibig sa Dammam. Isang napakagandang tanawin na pagmasdan ang mga kapatiran na nagsasama-sama’t nagkakaisa sa pagpupuri, pagsamba at pasasalamat sa Dakilang Lumikha.

Ang Gawain ay pinangunahan ni kChito bilang Presider, at ng dbd-Pag-ibig Music Ministry sa Praise & Worship, habang Si kBobet naman ang nag-lead sa Opening Prayer

Ang Mensahe ng Panginoon ay inihatid naman ni kJunB na may pamagat na “Be Equipped for the Great Harvest” na siya ring theme ng dbd-Eastern Province sa taong 2009.

Nagkaroon din ng paglalahad ng kasaysayan ng dbd-Eastern Province sa labin-tatlong taong lumipas, mula ng taong 1995 hanggang sa taong 2008 na isinalaysay ni kRogel habang ipinapakita ang iba’t ibang larawang kuha, na isinaayos naman ni Ate Gee.

Ang iba pang bahagi ng pagdiriwang ay ang parade of banners, kung saan ipinakita ang kauna-unahang banners na kinonsepto para sa dbd-Kanlungan at dbd-Pag-ibig. Kasama rin itinaas ang banner ng kabuuang dbd-Agape Eastern Province, KSA. Ang Dedication ng Pastoral Council, Presentation of Local Council ng dbd-Pag-ibig at dbd-Kanlungan, Presentation of Plans of dbd-agape, Eastern Province for 2009, and the congregational recitation ng Statement of Faith.

Ang selebrasyon ay mas lalo pang pinatingkad ng mga masasarap na lutuing inihanda na siyang pinagsalu-saluhan ng mga kapatiran sa isang lunch fellowship.

Ang lahat ay sadyang pinagpala Niya ng araw na iyon.

Muli, salamat sa Diyos sa Kanyang katapatan.

Sa Kanya lamang ang papuri!

No comments: