Wednesday, February 25, 2009

Alam Ko Na!


"Whether he is a sinner or not, I don't know. But one thing I do know. I was blind but now I see!" - John 9:25

Kung hahanapan daw natin ng kasagutan ang lahat ng mga nagaganap sa ating paligid, maging ito ma’y sa personal na buhay o sa mga nakikita natin sa iba – tiyak na marami tayong itatanong. Marahil ang maririnig lagi sa ating labi ay “bakit?”

Bakit ganito ang buhay, parang layf?” Animo’y rollercoaster. Minsa’y nasa itaas, minsa’y nasa ibaba.

Bakit yung mga mahihirap ay lalo pa yatang naghihirap, at ang mga mayaman ay siyang lalong yumayaman at nananagana?”

Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo, sa akin pa nangyari ang ganito?” Sabi mo pa nga “Bakit ako pa?” (na minsan ng naging titulo ng ating Pagbubulay-bulay)

Eh bakit nga di ikaw, aber…aber....” ang sagot ko naman.

Bakit? Why o why? Maraming tanong ang buhay. Maraming tanong kaysa sagot.

Naalala ko nung ako’y isang paslit at musmos pa lamang, marami akong tanong. Halos lahat ay gusto ko na may kasagutan. Madalas akong nagtatanong ng “bakit?” Kaya nga’t ang tawag nila sa akin noon ay “si Bakit”. Buti na lang hindi naging “si Tagpi” o kaya’y “si Bantay”.

“Bakit?” Why o why? Papaano? Sino? Saan? – mga sunod-sunod na tanong. Mga katanungang naranasan din ng bulag na lalaking pinagaling ng Panginoon na mababasa natin sa John 9:1-34. Pinag-tulungan siyang tanungin ng mga Pariseo kung sino at sa paanong paraan siya ay nagkaroon muli ng paningin, dahil batid nila na siya’y ipinanganak ng bulag na.

At sa kadahilanang walang maapuhap na isasagot ang lalaking ito sa mga nangungulit sa kanya, at marahil siya’y nakukulitan na rin sa mga kumukulit sa kaniya, nabigkas na lamang niya ang katagang “di ko alam!”

Hindi ko po alam…” Subalit, “isang bagay ang alam ko, dati akong bulag, ngunit ngayo’y nakakakita na.” (John 9:25) Yan ang alam ko!

May mga bagay marahil sa ating buhay na di natin lubos na maunawaan kung bakit nagaganap. Mga bagay na hinahayaan Niyang mangyari at ating maranasan. Mga bagay na di malirip ng payak nating kaisipan. Hindi natin alam kung bakit, subalit isang bagay ang alam na alam natin - Na Siya'y laging may mabuting layunin para sa atin.
Wika Niya sa Jeremiah 29:11, "For I know the plans I have for you," declares the LORD, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future."

Di natin alam kung bakit na bagama't tayo'y dating nasa putikan at pusali, subalit ngayo’y sa pamamagitan Niya, ay iniahon at binigyan ng bagong bihis, ng isang kasuutang puting-puti, busilak at dalisay.

Sabi Niya sa Kanyang Salita sa Isaiah 1:18 "Though your sins are like scarlet,they shall be as white as snow;though they are red as crimson,they shall be like wool."

Dati'y di natin alam ng lubos kung bakit. Marami tayong tanong. Subalit ngayo'y hindi na - pagkat batid na natin siya. Alam na natin kung bakit.

Alam ko na!” - yan na ngayon ang iyong sambit.
Isang pagbubulay-bulay.

1 comment:

Francesca said...

The bible teaches a lot, better than the commercial books we read.
The depth and the height of the wisdom in this book is very refreshing. I am happy you are one bible student and sharing as well.
Visit my francescainfaith blog, its good to share my thoughts about this great book.