Mula sa Panulat ni Max Bringula
And God said, "Let there be light," and there was light. God saw that the light was good. (Genesis 1:3-4)
Kapag tayo’y nasa isang madilim na lugar kung saan buong paligid ay nababalot ng kadiliman at walang liwanag na maaninag, ang isang maliit na sindi mula sa kandila o palito ng posporo ay napakalaking tulong na. Nagkakaroon ng kislap sa ating mga mata kapag nasilayan ang isang munting liwanag.
Kapag madilim ang lugar na ating nilalakaran, tayo’y kakapa-kapa, buong ingat sa ating paghakbang dahil baka makabangga o matapilok kaya. Kung kaya’t kapag isang munting liwanag ang iyong nasilayan, dulot nito’y napakalaking kagalakan.
Kapag madilim ang paligid na iyong kinaroroonan, kaba at takot ang maaaring madama. Aandap-andap ka at kakaba-kaba. Subalit kapag isang munting liwanag ang ating maaninag dulot nito’y kakaibang sigla at saya.
Ganito ang nadama ng likhain ng Diyos ang liwanag. Dilim ang bumabalot noon sa buong paligid. Sinabi Niya, “Magkaroon ng liwanag!” At nagkaroon nga. Nasiyahan ang Diyos nang ito’y mamasdan. (Genesis 1:3-4)
Ganito rin ang ating nadarama kapag sa gitna ng kaguluhan, ng kalungkutan at pighati, sa animo’y kawalan ng pag-asa sa buhay, ang isang munting liwanag dulot ay ibayong kalakasan at pag-asa.
Sa ating buhay ay may isang nagbibigay-liwanag sa gitna na kadilimang nararanasan. Dulot Niya’y isang liwanag na nagbibigay-buhay.
"I am the light of the world. Whoever follows me will never walk in darkness, but will have the light of life." (John 8:12)
Sa Kanyang piling ay walang kadiliman, walang kaguluhan at walang kabalisaaan. Na maging sa gitna ng pagsubok at mga suliranin, kalakasan at tagumpay ang kaloob Niya.
Siya ay si Hesus – ang tunay na liwanag. Ang sinumang susunod sa Kaniya ay di na lalakad sa kadiliman, bagkus magkakaroon ng liwanag ng buhay.
Isang munting liwanag lang dulot na’y buhay na walang-hanggang.
Kapatid, kaibigan, nasasaiyo na ba ang liwanag o kadiliman pa rin ang iyong tinatahak?
Si Hesus ay tanggapin at papasukin sa iyong puso. Paghariin Siya sa iyong buhay at ang liwanag Niya’y iyong makakamtan.
Isang Pagbubulay-bulay.
Panalangin:
“O Diyos Ama namin sa langit, Diyos ng liwanag na nagbibigay-buhay, aking idinudulog ang sarili sa iyong mga kamay. Mula sa kadiliman ako po’y inyong dalhin sa liwanag. Pinagsisihan ko pa ang aking pagsalangsang at mga kasalanan. Patawarin po Ninyo ako’t linisin sa aking karumihan. Maghari nawa Kayo sa aking puso at liwanag Ninyo ang aking lakaran. Ang liwanag Niyo nawa ang mamalas sa aking buhay. Sa Ngalan ni Hesus na aking Diyos at Panginoon. Amen.”

No comments:
Post a Comment