"Three times a day he got down on his knees and prayed, giving thanks to his God, just as he had done before." - Daniel 6:10
Madalas nating maririnig ang pagkukumpara ng panahon noong araw sa ngayon. Na noong araw daw ay simple lang ang buhay di tulad ngayon na masyadong kumplikado at masalimuot. Tahimik at banayad ang lahat di tulad ngayon na nagmamadali at animo’y kulang ang dalawamput-apat na oras.
Minsa’y naaalala rin natin at binabalik-balikan ang mga dating kinagawian. Noong tayo’y buong saya at sigla na naglalaro ng patintero, luksong-tinik, tumbang-preso, habulan, taguan at iba’t iba pang laro hanggang sa abutan na ng takip-silim at maririnig na lamang natin ang tawag ni Nanay na “uwi na, gabi na!”
Masarap. Masaya. Lalo na’t kung ang mga dating kinagawian ay matuwid at kalugod-lugod sa Kaniya. Kinagawian na dapat patuloy na gawin at di kalimutan.
Tulad ng ating mababasa sa Daniel 6:10 kung saan itong si Daniel ay hindi kailanman nilimot ang dating kinagawian na manalangin.
“Three times a day he got down on his knees and prayed, giving thanks to his God, just as he had done before.”
Si Daniel ay ehemplo ng mapanalanginin. Tatlong beses sa isang araw kung siya’y manalangin – umaga, tanghali at gabi. Laging nagpapasalamat sa Diyos tulad ng kaniyang nakagawian. Bahagi na ng buhay ni Daniel ang manalangin. Kahiman saan siya naroroon, ano man ang kanyang ginagawa, at ano man ang kaniyang kalagayan at kinatatayuan.
Hindi niya nililimot kailanman ang mahalagang bagay na ito – ang manalangin.
Sa ating buhay-espirituwal, sa ating paglakad bilang mga lingkod Niya, huwag din nating lilimutin ang dating kinagawian. Tulad noong tayo’y makakilala sa Kanya – ang init ng ating paglilingkod, ang kasabikan sa Salita ng Diyos, ang kagalakan na makipag-fellowship sa mga kapatiran, at ang kasigasigan na manalangin.
Sa bawat paglipas ng panahon, habang nadaragdagan ang taon sa ating buhay, habang patuloy na pinadadalisay ng Panginoon ang pananampalatayang kaloob Niya sa atin, sikaping hindi malilimutan ang mga dating kinagawian.
Manalangin, maglingkod, magbulay-bulay ng Kanyang Salita at dumalo sa Kanyang gawain. Huwag manghinawa. Huwag manlamig. Bagkus patuloy na pagningasin ang alab ng ating dating kinagawian.

Kapatid, kaibigan … ano ang iyong pinagkaka-abalahan sa ngayon?
Gaano kadalas kaya tayong manalangin ngayon? Gaano kasidhi ang ating pagnanais na makarinig ng Kanyang mga turo o tayo kaya’y nanghihinawa na sa pagtutuwid Niya?
Tumatatak pa ba sa ating isipan ang mga Pagbubulay-bulay na ating nababasa? Sinusunod ito’t di kinalilimutan.
Pakalimiin ang bagay na ito. Tingnan at suriin natin ang ating mga gawi.
Isang Pagbubulay-bulay.
Panalangin:
“Panginoon naming Diyos na dakila. Tunay nga po na napakasarap at napakainam na gawin at sundin ang Inyong mga Utos. Ang patuloy na tupdin ang Inyong kalooban. Turuan po Ninyo akong laging sumunod at tumalima sa Inyong nais. Ang patuloy na manalangin, mag-aral at magbulay-bulay ng Inyong Salita, ang maglingkod at dumalo sa Inyong mga gawain tulad ng dati ko ng nakagawian. Ilayo po Ninyo ako sa gawa ng kalaban, bagkus patuloy na manatili sa Inyong presensiya. Sa Ngalan ni Hesus na aking Panginoon ito po ang aking dalangin. Amen.”

No comments:
Post a Comment