"He causes his sun to rise on the evil and the good, and sends rain on the righteous and the unrighteous." - Matthew 5:45
“God is good?” ang tanong na madalas nating naririnig kapag nasa isang fellowship na sinusuklian naman natin ng sagot na “all the time!”
“All the time, God is good!”. Yan ang ang pinagkakadiin-diinan.
Ang Diyos ay mabuti – yan ang katotohanang kitang-kita natin at nararanasan. Ang Diyos ay mabuti sa bawat nilalang. Sa bawat nilikha Niya.
“Pinasisikat Niya ang araw sa masasama at sa mabubuti, at pinapapatak Niya ang ulan sa mga banal at sa mga makasalanan.”
Wala Siyang itinatangi.
Bagama’t lubos Niyang pinapagpala ang mga mabubuti at tapat na sumusunod sa Kaniya. Gayunpaman, kahiman tayo’y maging di tapat, mananatiling tapat ang ating Panginoon sa Kanyang mga Salita at Pangako.
Maraming beses ko ng naranasan ang Kanyang kabutihan. Minsa’y nahihiya na ako pagkat sa gitna ng aking pagsalangsang at di pagtatapat sa Kaniya, naroon pa rin ang mapagpala Niyang Kamay na nag-iingat sa akin, nagkakaloob ng aking mga pangangailangan. Kapag ako’y may hinilining, agad Niyang binibigay.
Sadyang ganoon nga ang ating Diyos na pinaglilingkuran – Siya ay mabuti. Ito ang Kanyang kalikasan.
Subalit ang kabutihan ng Diyos ay di natin dapat ipinagwawalang-bahala. Na maaari na tayong mamuhay sa kasalanan at patuloy na pagsuway. Pagkat bagamat ang Diyos ay mabuti, Siya’y Diyos rin naman ng hustisya – nagpaparusa sa mga masasama at ginagantimpalaan ang mga matuwid.
Tulad ng isang mabuting ama, Siya’y lubos na nagmamahal sa atin, niyayakap Niya tayo sa Kanyang mga bisig, inuunawa at pinapatawad sa ating mga pagkakasala kung tayo’y lalapit at hihingi ng kapatawaran. Subalit tulad din ng isang mabuting ama, tayo’y Kanya ring pinapalo, pinagagalitan at hinahagupit kung kailangan, matiyak lamang na tayo’y matututo at mamumuhay ng matuwid at iiwas na sa mga kasamaan.
Ganyan kabuti ang ating Diyos. Siya ay mabuti kailanpaman.
Kapatid, kaibigan… nararanasan mo ba ang kabutihan ng Diyos? Pinahahalagahan ba natin ito, o binabalewala at patuloy tayo sa pagkakasala?
Tandaan, bagamat ang Diyos ay mabuti, Siya’y Diyos rin na makatarungan.
Pagbulay-bulayan natin ito.

No comments:
Post a Comment