Hindi sila nagtatanim o nag-aani o nag-iimbak kaya ng pagkain tulad ng mga langgam, subalit araw-araw ay may pagkain silang kaloob mula sa ating Ama sa Langit. Ikaw pa kaya ang di Niya pagkakalooban ng iyong mga kakailanganin? Ng mga bagay na labis mong ikinababahala at minsa’y ikinawawalan ng pag-asa.
“Papaano na lang kaya” ang marahil sambit mo sa tuwina. Papaano na kung bigla isang araw ay mawalan ng trabaho dahil sa worldwide financial crisis na nararanasan ngayon? Papaano na ang bahay na aking ipinapatayo o hinuhulugan? Papaano na ang pag-aaral ni Utoy at ni Neneng? May plano pa naman akong bumili ng bagong kotse, laptop, celfon, at home theater equipments. “Mapupurnada pa yata” ang naibulalas mo, sabay kamot sa iyong ulunan.
Maraming bagay ang labis na ikinababahala ng tao. Kung ano ang kanyang kakanin, iinumin o susuutin. Iba’t ibang suliranin at mga alalahanin. Mula po noong una at hanggang ngayon, ganito ang kadalasang kalagayan ng tao. Tuliro, balisa at labis na nababahala.
Ito rin ang nakita ng ating Panginoon nung Siya’y namalagi sa lupa. Kung kaya’t nabanggit Niya ang mga katagang ito sa Matthew 6:26. “Look at the birds of the air; they do not sow or reap or store away in barns, and yet your heavenly Father feeds them. Are you not much more valuable than they?”
Uu nga naman. Ang mga ibon ay di nagtatanim, di nag-aani, di nag-iimbak. Subalit araw-araw, sila’y may kinakain.
Naalala ko nung minsan ako’y napadako sa may Port Area sa Dammam, nang sumundo ako roon sa kapatiran na ang accommodation ay malapit lang sa lugar na iyon. Napansin ko mula sa salamin ng aking sasakyan ang napakaraming ibon na nagliliparan at sila’y mistulang patungo lahat sa iisang lugar. Habang binabaybay ko ang daan nakita ko ang lugar na kanilang tinutungo – isang compound (o pabrika yata iyon) kung saan may isang mistulang bundok na naroroon sa loob at doon sila'y dumarapo.
Napag-alaman ko na iyon pala’y pabrika ng mga bird feeds, at ang animo’y bundok na aking nakita ay mga raw materials na gagawing bird feeds. Tuwang-tuwa ang mga ibon sa labis-labis na pagkain na kanilang nakakain sa lugar na iyon. Libre at naroroon lang palagi.
Sa isip-isip ko "ganyan sila kamahal ng ating Ama sa langit."
Hindi ba’t mas higit pa tayo kaysa sa mga ibon na iyon? Tayo na nilikha Niya sa Kanyang wangis. Tayo na minahal Niya at inalayan ng Kanyang buhay. Kung gayon, di raw tayo dapat mabahala o mabalisa pagka’t ang Lumikha sa atin ay Siyang nagmamay-ari ng langit at lupa. May mahirap kaya sa Kanya na gawin?
Kung suliranin mo'y para bagang walang patid at di malirip kung ano ang gagawin, masdan mo ang mga ibon, at iyong mababatid nariyan Siya lagi upang pangangailangan mo’y Kanyang abutin.
Kung nahahapo at naguguluhimanan, na para bagang wala ng pag-asa na ika’y natatanaw, masdan mo ang mga ibon, at iyong madarama na kasama mo Siya sa tuwina at di ka Niya iniiwan kailanman.
Kung ang paligid mo’y animo’y pulos kaguluhan. Kapayapaan ay salat dahil sa mga alalahanin at pinagkaka-abalahan ng maraming mga nilalang, iyong pagmasdan ang mga ibon, at mapagtatanto mo na may isang Diyos, who is in control, at siyang naghahari sa lahat.
Masdan mo ang mga ibon.
Tuwing makikita mo sila, lumilipad, humuhuni at umaawit, maalala nawa natin ang kabutihan at katapatan ng Diyos sa atin.
Higit tayo kaysa sa mga ibon. Ikaw ba’y umaawit din at nagpupuri tulad nila? O ikaw ay labis na nag-aalala at naninimdim?
Kung gayon, masdan mo ang mga ibon.
Isang pagbubulay-bulay.

No comments:
Post a Comment