Sa dahilang nasimulan natin na mga sentimental songs ng late 70’s ang siyang titulo ng ating Pagbubulay-bulay lately tulad ng “Tukso, Layuan Mo Ako” noong nakaraang Linggo, ngayon nama’y ang pamagat ng ating Pagbubulay-bulay ay hango sa awitin na pinasikat noon ni Didith Reyes na “Bakit Ako Mahihiya?”
Hindi ko na bibigyan pa ng background ang awit na ito o ang umawit nito sa dahilang di naman tungkol sa nilalaman ng awit ang ating pagbubulay-bulayan kungdi ang paggamit sa katagang “Bakit Ako Mahihiya?”
Sabi nila makapal daw ang mukha ng taong di marunong mahiya. “Ang kapal naman ng apog mo” ang kantong-salita na maririnig mo kapag ikaw ay tinaguriang walang hiya. (Hindi walanghiya, kungdi walang hiya.)
Dapat nga ba tayong mahiya? Ikaw ba ang tipo na “shy type” kumbaga na ang sambit madalas ay “shy kasi ako eh”. “Dyahi naman” ang dugtong mo pa. Pero sa totoo lang ay gusto-gusto mo rin naman. “Jele-jele, bago quiere” sabi nga sa salitang Kastila. Aayaw-ayaw, pero gusto.
Sa totoo, ang tao’y nilikha na may dignidad. Isang obra-maestrang maipagmamalaki ng dakilang Tagapaglikha. Tayo ang pinakamagandang nilikha ng Diyos sa balat ng lupa pagka’t tayo’y nilikha sa wangis Niya.
Kung gayon, saan nagmula ang “hiya” ng tao sa sarili?
Ito’y unang naganap sa hardin ng Eden. Ating mababasa sa Genesis 3:7 ang ganito, “Then the eyes of both of them were opened, and they realized they were naked; so they sewed fig leaves together and made coverings for themselves.”
Pagkatapos kanin ni Adan at Eba ang ipinagbabawal na bunga, sila’y nagkamalay (o nagkaroon ng malisya) at kanilang napagtanto na sila’y hubad. Kung kaya’t kumuha sila ng dahon ng igos at ito’y pinagtagni-tagni upang ipantakip sa hubad na katawan. Sila’y nahiya.
At nang marinig nila ang yapak ni Yahweh, sila’y agad na nagtago sa kahuyan. “Nasaan kayo” ang tawag Niya. “Nagtago po kami pagka’t kami’y hubad,” ang tugon ng lalaki. Sila’y nahiya.
Ang “hiya” ay nagsimula nang sila’y magkasala. Nang sila’y sumuway sa iniuutos ng Diyos.
Ang kasalanan ang nag-aalis ng dignidad ng tao sa kanyang sarili. Ang nagdudulot sa kaniya na mahiya.
Subali’t ang kahihiyan na dulot ng kasalanan ay pinawi ng lahat sa pamamagitan ng kamatayan ni Hesus sa krus. Inako Niya ang kahihiyan na dapat ay sa atin. Kung kaya’t ang sinumang mananampalataya sa Kaniya ay di na huhusgahan pa, bagkus ay ipawawalang-sala. Tatakpan Niya ang kahihiyang idinulot ng kasalanan.
“Bakit ako mahihiya?” kung kasalanan ay Kanya ng pinatawad at binayaran.
“Bakit ako mahihiya?” kung taglay ko na ang kapangyarihan na makapamuhay ng may kabanalan.
"I tell you the truth, whoever hears my word and believes him who sent me has eternal life and will not be condemned; he has crossed over from death to life.” (John 5:24)
“Bakit ako mahihiya?” kung taglay ko na ang kakayahang ihayag ang Kanyang kadakilaan. Ang kanyang kabutihan. Ang Kanyang katapatan. Ang Kanyang pagliligtas. Hindi ko ikahihiya na Siya ay ipahayag pagka’t Siya ang kaligtasan ng lahat.
“I am not ashamed of the gospel, because it is the power of God for the salvation of everyone who believes.” (Romans 1:16)
Subali’t kung tayo’y di sumusunod sa Kanyang iniuutos. Kung tayo’y laging sumusuway sa Kanyang nais. Kung tayo’y laging tumatalikod sa Kanyang ipinagagawa sa atin. Kung tayo’y pasaway at ang laging ibig ay sundin ang pita ng laman sa halip na ang Kaniyang katuwiran, dapat nga tayong mahiya.
Pagka’t napakabuti Niya sa atin. Nanatili Siyang tapat bagama’t di tayo nagtatapat sa Kaniya. Di Niya pa rin tayo pinababayaan. Iniaabot ang Kanyang mga kamay upang tayo’y gabayan at ingatan. Tumutugon sa ating pangangailangan. Napakabuti ng Diyos. Dapat nga tayong mahiya kung patuloy ang ating pagsuway.
"Bakit ako mahihiya ?’’ - yan ba ang katagang sinasambit mo dahil angkin mo na ang kaligtasang kaloob Niya.
"Bakit ako mahihiya ? - pagka’t ikaw ay pinawalang-sala na at kahihiyan mo’y Kanya ng pinawi.

O tayo’y nahihiya pa rin dahil sa kasalana’y patuloy na namumuhay. Nahihiya dahil patuloy na sumusuway.
O sadyang tayo’y walang hiya.
“He who has an ear, let him hear.” (Rev. 13:9) Siya na may pandinig, ay makinig.
Isang Pagbubulay-bulay.

No comments:
Post a Comment