THE WAY OUT
Sa panulat ni Max Bringula
"But when you are tempted, he will also provide a way out so that you can stand up under it." - 1 Corinthians 10:13
Isa sa pinakamahalang bahagi ng anu mga gusali, whether it is a theatre or a tower, a conference hall or an auditorium, a hospital or an office building, o maging ng isang ordinaryong bahay lamang, ay ang pagkaroon nito ng tinatawag na Fire Exit o lagusan na magagamit sa oras na magka-sunog o kahit sa anu mang emergency cases na kailangan gamitin ito.
Ang kakulangan ng Fire Exit na kung minsa’y tinatawag na Emergency Exit at hindi paggamit nito ang siyang kadalasang nagiging sanhi ng pagkasawi ng iba kapag may sakunang nagaganap.
Tuwing tayo’y sumasakay ng eroplano, bahagi rin ng briefing na ginagawa ng stewardees bago mag-take-off ay ang pagsasabi at pagtuturo sa atin kung saan ang Exit in case of emergency.
Kung kaya’t napakahalaga na kung tayo’y napupunta sa isang lugar o gusali na alamin kung saan ang Exit. Tiyakin kung mayroong Way Out.
Napakahalaga nito kung kaya’t maging sa espirituwal nating buhay, ito ang tiniyak sa atin ng Panginoon na ibigay upang maging matagumpay sa oras ng pagsubok o sa oras ng tukso. Ito ang sinasabi sa Kanyang Salita sa 1 Corinthians 10:13.
“But when you are tempted, he will also provide a way out so that you can stand up under it.”
Lagi at mayroon lagi na lagusang ibinibigay sa atin ang Panginoon tuwing tayo’y dumaranas ng pagsubok o kung tayo’y nasa gitna ng tukso upang ito’y mapagtagumpayan natin at hindi mahulog sa bitag ng kaaway.
Out task is – find the Way Out. Hanapin ang lagusan. Tiyak na mayroon nito.
Ito’y maaaring isang tinig mula sa Kaniya na kailangan lamang natin pakinggan at sundin. Maaaring may tawag o text na matatanggap na nagpapa-alala sa atin ng tamang gagawin, o kaya’y sa pamamagitan ng Salita Niya na iyong maririnig o mababasa. O kaya nama’y ito’y maaaring isang kaganapan na mag-aalis sa’yo sa lugar at pagkakataong ang tukso’y umaali-aligid, o magbibigay sa’yo ng kalakasan upang ang pagsubok ay mapagtagumpayan.
Kung gayon, bakit marami pa rin ang nailulugmok ng problema’t mga tuksong dumarating bagama’t may ibinigay na pala na Way Out ang Panginoon? Ito ay sa dahilang di natin hinahanap ang lagusan at kung nandiyan man at alam natin ay di naman natin ginagamit. Iba pa rin ang ating dinaraanan at nais na daanan sa halip na gamitin ang lagusang ibinigay Niya.
Kanya ring sinabi that “He is the Way, the Truth and the Life”. Siya ang tanging Daan. Wala ng ibang daan, o dating daan. Siya lang ang katangi-tangi at nag-iisang Daan. He is the Way Out.
Siya ang Daan at Kasagutan.
Kung nais mong mapagtagumpayan ang mabibigat na pagsubok na pinagdaraanan, kung hangad mo’y kasagutan sa mga suliraning nagbibigay sa’yo ng labis na hirap at pasakit, kung ibig mong takasan ang tuksong laging sa iyo ay bubuntot-buntot, hanapin mo ang lagusan.
Find the Way Out.
Pakinggan mo, basahin, pagbulay-bulayan at tupdin ang itinuturo sa’yo upang lagusan ay matagpuan.
Ikaw, natagpuan mo na ba?

Isang Pagbubulay-bulay sa Kanyang Salita.
1 comment:
Hello I am Kenji of Thoughtskoto, me and my family invites you to join the Eastern province bloggers EB sa June 11 po, 6-8 pm sa Al Ramaniyah Mall Al bahar section.
If you know any blogger pa, please pass this info. If you are coming please give me a call at 850-2472 or my mobile 056-367 7487
Read my Post here! Http://jbsolis.blogspot.com
Salamat po!
Post a Comment