Marahil ganito ang kalagayan natin sa ngayon. Bagama’t nakapagpatawad na tayo, umuukilkil pa rin sa ating isipan ang di magandang naranasan at natamo. Ito ang nagbibigay sa atin ng di kaaya-ayang pakiramdam at kaisipan.
Kung sa palagay natin mahirap gawin ang magpatawad at limutin iyon, paka-isipin na mayroon na mas higit pa ang naranasan kung ikukumpara sa atin – may nawalan ng mahal sa buhay dahil sa kagagawan o kasamaan ng iba, ng ari-arian dahil sa kapabayaan ng pinagkatiwalaan, may naghirap ng labis dahil sa pang-aapi at pagmamaltrato ng tao o maging ng sariling pamilya o ng malapit sa iyong puso. Subalit sila’y nakapagpatawad at nilimot ang nakaraan. Pinatid ang tanikalang pumipigil upang sila’y lubusang lumaya sa hirap ng kalooban.
Ito ang ginawa ni Joseph (the Dreamer) nang pumunta sa kanya ang mga kapatid na sa kanya’y nagtakwil at nangalakal bilang maging isang alipin, na siyang naging sanhi ng labis na kahirapang naranasan at pagkakawalay sa amang minahal.
Mababasa sa Genesis 50;17, ang ganito -
'This is what you are to say to Joseph: I ask you to forgive your brothers the sins and the wrongs they committed in treating you so badly.' Now please forgive the sins of the servants of the God of your father." When their message came to him, Joseph wept.
Mayroon pa ba tayong di napapatawad ng lubusan? Nahihirapan ba tayong iwaksi sa isipan ang hapding idinulot ng kasalanang ginawa sa atin? Alalahanin natin ang dakilang pagmamahal ng Diyos na bagama’t di tayo karapat-dapat na patawarin, minahal pa rin Niya tayo ng labis at inialay ang buhay upang kaligtasa’y tiyak nating makamit.
Ang liham mula sa Ama na walang iba kungdi ang Kanyang mga Salita ang siya nawang magpa-alala sa atin upang makapagpatawad - to forgive and forget.
"And when you stand praying, if you hold anything against anyone, forgive him, so that your Father in heaven may forgive you your sins." - Mark 11:25
Yan ang gawin natin.
Isang Pagbubulay-bulay ng Kanyang Salita.
No comments:
Post a Comment