MALAYA KA NA!
Sa Panulat ni Max Bringula
“If the Son sets you free, you will be free indeed.” – John 8:36
Kahapon, 12 June 2009, idinaos natin ang ika-111 Anibersaryo ng ating kalayaan, ng ating kasarinlan bilang malayang Pilipino.
Iba’t ibang pagdiriwang ang isinagawa sa loob at labas ng ating bansa bilang pagala-ala sa kalayaang natamo mula sa manlulupig, mapang-api lahi at mananakop ng ating bayan. Ipinagbunyi natin ang pagkalagot sa tanikalang nakagapos sa atin. Pinasalamatan ang mga bayaning nagbuwis ng buhay na siyang nagdulot sa atin ng kalayaan.
Subalit sadyang malaya na nga ba ang Pilipinas? O tayo’y naka-tanikala pa rin? Nakagapos sa sariling bayan. Inaapi, pinahihirapan, nilalait, niyuyurakan, sinisikil ang karapatan. Animo’y bilanggo’t naghihintay pa rin ng kanyang kalayaan.
Ganito maituturing ang karamihan sa atin. Bagama’t ilang taon ng pinalaya ng Panginoon sa pagkakagapos sa tanikala – sa mga kasalanang nagpapahirap at umaalipin sa atin, animo’y bilanggo pa rin tayo at di tunay na malaya.
Ang katotohanan ay – tayo’y pinalaya na ng Panginoon. Ito ang inihayag sa atin ng Kanyang Salita na ating pinagbubulay-bulayan sa John 8:36, “If the Son sets you free, you will be free indeed.”
Malaya ka na!
Wag ng magpa-alipin pang muli sa kasalanan, bagkus sa katuwiran at kabanalan tayo’y lumakad at mamuhay na tunay na malaya.
Wag ng magpadaya pa sa kalaban at muling igapos ang mga kamay sa tanikala ng kasinungalingan, ng di kanais-nais ng ugali’t gawain, ng labis na pagmamahal sa mga materyal na bagay, ng pag-iimbot at kalayawan ng katawan.
Malaya ka na!
Ika’y pinalaya Niya na sa lumang pagkataong sa atin ay umaalipin, sa mga kasalanang gumagapi sa atin. Kasama Niya ng ipinako ang ating lumang pagkatao upang bagong buhay ay matamo. (Romans 6:6)
Malaya ka na! Napatid na ang tanikalang dati’y nakagapos sa atin.
Ito ba ang katagang namumutawi sa ating bibig? “I’m free!” Ako’y malaya na! O ika’y naka-tanikala pa rin?
Araw-araw ay araw ng kalayaan. Siya’y patuloy na nagliligtas sa mga lumalapit sa Kanya at nagnanais ng kalayaan.

Bitawan mo na kapatid at kaibigan ang mga bagay at ugaling umaalipin pa rin sa atin, at kay Kristo ay tuluyang lumapit at sumunod upang makamtan ang masagana’t malayang buhay.
Malaya ka na! Ipagbunyi mo ang iyong kalayaan!

Isang pagbubulay-buay.
No comments:
Post a Comment