Sunday, May 1, 2011

The Real Saints


"All the saints send their greetings." - 2 Corinthians 13:13

The beatification of Pope John Paul II into Blessedness and later on into Saint when canonized which is not a far-fetched thing to happen, brings into mind the question of “who the real saints are”.

Sino nga ba ang mga tunay na Santo o Santa? Sila ba’y yaong mga namatay na at pagkatapos ay gagawing Santo o Santa batay sa desisyon ng tao o ng organisasyon o Iglesya? O yaong mga buhay pa’t tinatawag na “Saints” na siyang binabanggit sa Bibliya?

Santo o Santa ang tawag sa nilalang na ang buhay ay puspos ng kabanalan. Bagama’t sa Ingles ay isang salita lang ang gamit, “saints” (babae man o lalaki).
Ano nga ba ang katotohan sa salitang “Santo” or saints?

Mahalagang malaman natin ang tamang kahulugan ng salitang “Santo” at kung sino ang pinatutungkulan nito sa Banal Niyang Aklat. Pagkat sa ating kapanahunan ay maraming lalabas na bulaang guro na magdadala sa marami sa maling aral.

Ito ang babalang winika ng Panginoon, "Watch out that you are not deceived." (Luke 21:8)

Na ang “Santo” raw ay yaong mga patay na at pagkatapos ng pagsusuri ay iluluklok bilang Santo pagkat buhay nila’y kinakitaan ng kabanalan at may himala silang ginawa nang nabubuhay pa.

Ito ba ang isinasaad sa Banal na Kasulatan? Ito ba ang itinuturo ng Kanyang Salita?

Tunghayan natin ang mga sumusunod na talata:

Sa Romans 1:7 - "To all in Rome who are loved by God and called to be saints." Tinawag ni Pablo na santo ang mga mananampalataya sa Rome. Sila’y mga buhay pa.

Sa Psalms 30:4 - "Sing to the LORD, you saints of his; praise his holy name." Umawit daw at magpuri sila sa Kanyang Pangalan. Uli, sila’y mga buhay pa at umaawit pa nga.

Sa Acts 9:32 - "As Peter traveled about the country, he went to visit the saints in Lydda." Si Pedro ay bumisita sa bayan ng Lydda kung saan naroroon ang mga santo. Sila’y mga buhay pa at hindi sementeryo ang binisita niya sa Lydda.

Sa 2 Cor 13:13 - "All the saints send their greetings." Ang lahat daw ng santo ay bumabati sa kapwa mananampalataya. Sila’y mga buhay pa at nagpapadala pa nga ng greetings na kung may SMS o eMail na siguro noon ay ito ang kanilang gagamiting pagbati.

Kung tayo'y kumikilala sa Panginoong Hesus bilang Diyos, Panginoon at ating Tagapagligtas, tayo ang tunay na “Santo”. We are the real saints.

Tayo ang mga santo at hindi ang mga santo at santang nasa altar at simbahan na niluluhuran ng marami, pinupunasan at dinarasalan.

Huwag tayong padaraya." Luke 21:8

Isang Pagbubulay-bulay
by Max Bringula Chavez

No comments: