Mula sa Panulat ni Max Bringula
But a poor widow came and put in two very small copper coins, worth only a fraction of a penny. - Mark 12:42
“Piso? Anong mabibili rito? Si Tito naman nagbibiro” ang naibulalas ng aking pamangkin nang minsa’y humingi sa akin ng kanyang baon sa eskuwela.
“At bakit naman? Nung araw nga noong ako’y nag-aaral na tulad nyo, singko nga lang ang baon ko, buti nga kayo piso” ang pangangatuwiran ko naman.
“Noon yon. Panahon pa yata ni kopong-kopong yon eh. Si Tito naman, si Gloria na po ang Presidente ngayon noh. Piso? Ano eto? Baka itapon pa po sa akin yan ng tindero pag ibinayad ko” ang pamimilosopong sagot niya.
“Aba, namilosopo pa. Sige, ayaw mo, eh di huwag” ang pagmamatigas ko namang sagot.
Nakakatuwa. Nakakagigil. Subalit eto ang nakaka-inis na katotohanan sa halaga ng pera natin sa ngayon at ang makatotohanang pagtingin natin sa halaga o maibibili ng salaping ating taglay.
Ganito ang naganap nang minsang pinagmasdan ng Panginoon ang mga tao na naghuhulog ng kanilang kaloob sa templo na mababasa natin sa Mark 12:41-44. Nakita Niya kung papaano ang mga mayayaman ay magbigay. Malalaking halaga ang kanilang hinuhulog sa kaban. Nagkakalansingan ang mga salaping ginto’t pilak habang ito’y bumabagsak sa hulugan na ikanalilingon ng mga nagdarasal doon at mga dumaraan.
Samantala, isang balong babae ang lumapit upang maghulog. Nakita siya ng Panginoon. Mula sa kanyang sublitan ay inilabas niya ang dalawang kusing na ipinakakatago-tago niya’t pagkat iyon na lamang ang natitira niyang salapi. Inihulog niya iyon sa kaban bilang kanyang handog. Dalawang kusing na katumbas ng isang pera na nang ihulog ng balong babae ay halos wala kang marinig na kalansing, at halos liparin ng hangin ang manipis na hugis ng dalawang kusing iyon.
Walang lumingon, walang nakapansin sa inihulog ng balong babae, maliban sa Panginoon.
Tinawag Niya ang Kanyang mga alagad, “Halikayo.” Sa kanilang paglapit winika ng Panginoon, “Tunay na sinasabi ko sa inyo, ang dukhang balong iyon ay naghulog ng higit sa kanilang lahat.”.
“Huh! Dalawang kusing?” ang pagkabigla’t pagtatanong nila. “Anong halaga ng dalawang kusing?” ang tanong na naglalaro marahil sa isipan ng mga alagad nang mga sandaling iyon.
Naalala ko tuloy ang aking pamangkin na nagsabi ng “Piso lang?”
Dahil batid ng Panginoon ang iniisip nila, agad Niyang sinabi, “Sapagkat ang iba’y nagkaloob ng bahagi lamang ng hindi na nila kailangan, ngunit ibinigay ng balong ito na dukhang-dukha ang buo niyang ikabubuhay.”
Dalawang kusing. Ano nga ba ang halaga niyon ng kanilang kapanahunan? Napakaliit lamang. Tulad din yan ng Piso natin ngayon. Ano bang halaga nito o maibibili niya sa ating kapanahunan? Napakaliit lamang.
Subalit hindi sa laki o liit ng halaga ng ating ibinibigay nasusukat ang kadalisayan ng ating puso kapag tayo’y naghahandog sa Panginoon.
Papaano ba tayo magbigay sa Panginoon? Buong-puso ba o may pagkikimkim. Malaki nga ang inihuhulog mo subalit nakasimangot ka naman. Bungkol-bungkol nga ng salapi ang iyong ibinibigay subalit kapiranggot lang iyon kung tutuusin sa sandakmal na natitira pa sa iyong tarheta. Hindi mo ito pansin at hindi mo naman ito kailangan pagkat sobra-sobra ang iyong yaman.
O kaya’y maliit nga ang naibigay mo subalit buong-puso mo naman itong inihahandog sa Panginoon. Bagama’t iyon lamang ang kaya mong ibigay mula sa iyong karukhaan subalit buong galak ka namang ibinigay iyon ng walang pag-aalinlangan kahiman wala ng matira sa iyong bulsa, di alintana ang bukas pagkat may Panginoon na laging tapat sa Kanyang mga anak.
Ano nga ba ang nakalulugod sa Panginoon? Ang dalawang kusing o ang salaping ginto’t pilak na katumbas ay isang milyones?
Mayaman ang ating Panginoon. Siya ang may likha ng langit at lupa. Siya ang may akda ng ating buhay at Siya rin ang nagkakaloob ng ating tinataglay at tinatangkilik. Kailangan kaya Niya ang iyong dalawang kusing o ang iyong mga salapi?
Subalit bakit pinagmasdan Niya ang mga nagbibigay sa Templo? Pagkat nais Niya ang malinis na puso mula sa atin sa lahat ng ating ginagawa at ibinibigay sa Panginoon. Maging ito man ay salapi, panahon, kalakasan o talento.
Tandaan. Pinagmamasdan tayo ng Panginoon.
Papaano ka nagbibigay? Papaano ka naglilingkod sa Kanya?

Ito ang ating pakalimiin upang pagpapala Niya'y sumaating lagi.
Isang Pagbubulay-bulay.
Isang Pagbubulay-bulay.
No comments:
Post a Comment