Friday, February 18, 2011
May Amnesia Siya
by Max Bringula
“Alam mo di ka na makaka-alis” ang pa-kyut na tugon ni Toni Gonzaga sa makulit na si John Lloyd Cruz sa karakter nila sa pelikulang “My Amnesia Girl”.
“Bakit naman?” ang may pagtatakang sagot ni Lloydie. “Kasi nasa isip na kita eh” ang nakangiting tugon ni Toni.
“Tumangkad ka ba? Dati-rati kasi hanggang balikat lang kita, pero ngayon nasa isip na kita”. “Lumiit ka ba? dati-rati kasi abot ulo lang kita, pero ngayon nasa puso na kita”
Ito at marami pang ibang nakakakilig na sagutan ng dalawa ang tumatak sa isipan ng mga nakapanood ng pelikulang “My Amnesia Girl” na pinilahan ng husto sa atin at naging “word-of-mouth” maging sa mga Pinoy sa abroad.
Sa movie na ito, nagkaroon o nag-panggap na may Amnesia si Toni sa karakter niya sa pelikula. Ang Amnesia ay ang pagkawala ng “pagkaka-alala” o memory sa mga nangyari o sa kung sino at saan siya galing.
Masasabing may amnesia ang sino man na madaling makalimot. Na kapag may hiniram (gamit man o pera) ay isusulat mo na sa lamang sa tubig pagkat di ka tiyak kung ito’y maibabalik pa o mababayaran kaya.
Ang isang Kristiyano na nakakilala sa Panginoon, pinatawad, nilinis sa kanyang karumihan at binihisan ng maputing damit ng kabanalan at binigyan ng buhay na walang-hanggan ay masasabing may amnesia kung agad niyang nalimot kung papaano siya iniligtas ng Panginoon sa tiyak na kamatayan at kaparusahan, ngunit ngayo’y muling bumabalik sa dating buhay, dinurungisan ang puting damit na kanyang suot-suot.
Siya’y tulad ng tinutukoy sa James 1:23-24 na ganito ang sabi, “ang sinuman daw na nakikinig ng Kanyang Salita subalit hindi tumatalima sa ipinagagawa nito ay tulad ng isang tao na nanalamin at pagkatapos ay agad tumalikod at kinalimutan ang kanyang nakita.” Kung may dumi ba sa mukha niya na dapat linisin ay di niya alintana. Kinalimutan ang dapat gawin at pilit nililimot ang Kanyang turo at aral.
Ganito ang karamihan sa atin. May amnesia siya.
Ikaw, may amnesia ka ba?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment