Thursday, February 17, 2011

Anong Kaguluhan Ito


by Max Bringula

Likas na yata sa tao ang lumikha ng gulo, ng away, ng di pagkaka-unawaan, ng tampuhan at iba't iba pang mga di pagkaka-bati. Mula pa ng ating pagkabata, nakikipag-away na tayo kapag inagaw sa atin ang ating laruan. Nagtatampo tayo kapag di naibigay ang ating gusto. Nakikipagsuntukan tayo sa kalaro. Nangangantiyaw, nangbubuska. Gumaganti kapag nasaling ang damdamin o nasaktan ang puso o pisikal na katawan.

"What is the source of all the fights and conflicts among you?" (James 4:1) Ito ang tanong sa atin. Saan ba nagmumula ang kaguluhang iyan? Di ba't ito'y sanhi ng ating pagigiging makasarili? Hindi tayo marunong magparaya. Hindi makapagpatawad dahil labis na nasaktan at naapi. Ang nais ay makabawi at makaganti.

Paka-isipin, kung tayo may lubos na nasaktan dahil sa nagawa sa atin ng kapwa at maging ng taong malapit sa ating puso at pinag-ukulan natin ng pagpagmamahal, higit diyan ang naranasan ng ating Panginoon. Siya'y nagmahal ng labis subalit ano ang iginanti ng tao sa Kaniya? Ngunit wala kang narinig na galit at pagkamuhi, bagkus ang Kaniyang winika'y "Forgive them, for they know not what they're doing." (Luke 23:34)

Ito rin ang turo Niya sa atin, ang mahalin ang kaaway, ang magpatawad kung papaano tayo pinatawad din ng Ama sa Langit. At sa gayon, kapaligiran nati'y magiging payapa, buhay nati'y matatahimik at ang puso't isipan nati'y mapapanatag.

Nais mo ba'y buhay na masagana't tigib ng Kaniyang pagpapala? Sundin ang Kanyang utos, tumalima sa Kanyang ipinapagawa.

No comments: