Sunday, February 27, 2011
A True Friend and a Friend Forever
Sa panulat ni Max Bringula
"I will no longer call you servants, but friends." (John 15:15)
A friend in need is a friend indeed. Madalas nating naririnig ang kasabihang ito na tumutungkol sa tunay na kahulugan ng salitang kaibigan. People may come and go in our life, but only those that are real friends remain.
Maliban sa ating pamilya, may mga tao na darating sa ating buhay na magbibigay sigla at kulay ng ating kapaligiran, mga taong maglalagay ng tunog at melodiya sa payak at sintunadong awit natin, mga nilalang na kasama mo’t karamay sa tagumpay.
Ngunit sa oras ng pangangailangan, sa oras na ika’y namimighati, lugmok at nanghihina, ilan kaya sa kanila ang mananatili at daramay sa’yo kahiman kapalit ay buhay?
Ang katotohanan, ang taong minahal mo ng labis at pinagkatiwalaan ang minsa’y siya pang sanhi ng iyong kalungkutan. Ang taong inaakala mong kakampi’y kaaway pala’t siyang magdiriin sa higit pang kapahamakan.
But not HIM.
When everyone seems gone when you’re down, when loved ones and friends deserted you when you need them most, remember there is One that remains and will be with you forever. One who knows your pain more than any other, One who always lifts you up when you fall down, One who carries you through though often you say, He's nowhere to find durinng your lowest moments in life.
Siya ang tunay na kaibigan na sa’yo’y nagmahal at di ka iniwan. Karamay mo di lamang sa kasiyahan kungdi maging sa kalungkutan. Kaibigang nag-alay ng Kanyang buhay para sa iyong kaligtasan.
Ngunit Siya ba’y may puwang na sa puso mo? Inaanyayahan mo na ba Siyang maging bahagi ng iyong buhay? Huwag mag-alinlangan. Siya'y tapat at tunay na kaibigan na kaianma'y di ka iiwan.
He’s our True Friend and a Friend forever.
Sunday, February 20, 2011
Be Strong and of Good Courage
Sa Panulat ni Max Bringula
Do not fear nor be afraid of them for the Lord your God will not leave you nor forsake you. (Deuteronomy 31:6)
What a comforting promise from the Lord.
Kung tayo man sa ngayo’y nakararanas ng takot, ng pag-aalala, ng kabalisaan, ng pighati at kawalan ng pag-asa sanhi ng mga nagaganap sa ating kapaligiran at dala ng mabibigat na problemang pinagdaraanan, pakatandaan ang pangakong ito ng ating Panginoon – na di Niya kailanman tayo iiwanan at pababayaan.
Ang sinumang sumasampalaya sa Kanya at nanalig ay di Niya bibiguin. Ipagkakaloob Niya ang kapahingahan at kalakasang ating kailangan upang magtagumpay.
Kung kaya’t maging matatag. Huwag hayaang makapanaig ang gawa ng kalaban – ang takot, pag-aalala, kabalisaan at kawalan ng pag-asa, pagkat ang lahat ng ito’y di mula sa Kanya kungdi sa kaaway na walang ibang nais kungdi tayo’y igupo.
Be strong and of good courage. Huwag matakot pagka’t kasama mo Siya magpakailanman.
He is our refuge and strength, an ever-present help in times of trouble. (Psalms 46:1)
Saturday, February 19, 2011
Yes, I Am Coming Soon
sa Panulat ni Max Bringula
"Yes, I am coming soon."(Revelation 22:20)
Isang pangako na ating mapanghahawakan sapagkat ang nagwika ay ang ating Panginoon, “I am coming soon!"
Noong araw kapag dapit-hapon na kung saan nag-aagaw ang liwanag at dilim ako’y uupo na sa may pintuan namin at tatanawin ang pagdating ni Nanay galing sa kanyang paglalabada. Ito kasi ang means of income ni Nanay noon sa pagpapalaki sa aming apat na magkakapatid bukod sa pagtitinda kung saan minsan kami’y kasama.
Ang paghihintay sa pagdating ni Nanay ay lagi kong kinasasabikan di lamang dahil sa dala niyang kakanin namin kungdi sa pangungulila at pagmamahal na rin bagama’t isang araw lang naman siyang wala sa bahay at ako ang naiiwan sa nakababata kong mga kapatid.
Nakagawian ko na rin na malinis na ang bahay at nakaligo’t maayos na ang kasuutan ng aking mga kapatid na dahil sa paglalaro ay gusgusin at marungis. Isang kagalakan sa akin na sa pagdating ni Nanay ay matutuwa siya’t masisiyahan sa kanyang daratnan.
Sa aking pagbubulay-bulay ng Kanyang Salita, aking napagtanto na ganito maihahalintulad ang pagdating ng Panginoon. Dapat ito’y kinasasabikan at Siya’y masisiyahan sa kanyang daratnan.
Ang pagdating Niya’y tiyak. Ang mga naganap, nagaganap at magaganap pa na ating nakikita’t nararanasan ay pawang katuparan lamang ng nakatala na sa Banal na Kasulatan, mga sensyales ng Kanyang muling pagbabalik. Kapag sumasapit na ang dapit-hapon, ito’y paalala na malapit na ang takdang oras na iyon.
Ang tanong – nakapaghanda na ba tayo? Kasuutan ba nati’y maayos at malinis na? Nasa pintuan na ba tayo’t naghihintay sa Kanyang pagdating? O di tayo magkanda-ugaga sa gagawin, tuliro at nagmamadali dahil magpahanggan-ngayon di pa natin naihanda ang sarili.
Hindi pa huli ang lahat. Sa bawat araw na dumaratal sa ating buhay ay pagkakataon upang tayo’y makapaghanda upang sa pag dapit-hapon, tayo’y madaratnan Niya na naghihintay sa kanyang muling pagbabalik.
Yes, He is coming soon. And He will.
Friday, February 18, 2011
May Amnesia Siya
by Max Bringula
“Alam mo di ka na makaka-alis” ang pa-kyut na tugon ni Toni Gonzaga sa makulit na si John Lloyd Cruz sa karakter nila sa pelikulang “My Amnesia Girl”.
“Bakit naman?” ang may pagtatakang sagot ni Lloydie. “Kasi nasa isip na kita eh” ang nakangiting tugon ni Toni.
“Tumangkad ka ba? Dati-rati kasi hanggang balikat lang kita, pero ngayon nasa isip na kita”. “Lumiit ka ba? dati-rati kasi abot ulo lang kita, pero ngayon nasa puso na kita”
Ito at marami pang ibang nakakakilig na sagutan ng dalawa ang tumatak sa isipan ng mga nakapanood ng pelikulang “My Amnesia Girl” na pinilahan ng husto sa atin at naging “word-of-mouth” maging sa mga Pinoy sa abroad.
Sa movie na ito, nagkaroon o nag-panggap na may Amnesia si Toni sa karakter niya sa pelikula. Ang Amnesia ay ang pagkawala ng “pagkaka-alala” o memory sa mga nangyari o sa kung sino at saan siya galing.
Masasabing may amnesia ang sino man na madaling makalimot. Na kapag may hiniram (gamit man o pera) ay isusulat mo na sa lamang sa tubig pagkat di ka tiyak kung ito’y maibabalik pa o mababayaran kaya.
Ang isang Kristiyano na nakakilala sa Panginoon, pinatawad, nilinis sa kanyang karumihan at binihisan ng maputing damit ng kabanalan at binigyan ng buhay na walang-hanggan ay masasabing may amnesia kung agad niyang nalimot kung papaano siya iniligtas ng Panginoon sa tiyak na kamatayan at kaparusahan, ngunit ngayo’y muling bumabalik sa dating buhay, dinurungisan ang puting damit na kanyang suot-suot.
Siya’y tulad ng tinutukoy sa James 1:23-24 na ganito ang sabi, “ang sinuman daw na nakikinig ng Kanyang Salita subalit hindi tumatalima sa ipinagagawa nito ay tulad ng isang tao na nanalamin at pagkatapos ay agad tumalikod at kinalimutan ang kanyang nakita.” Kung may dumi ba sa mukha niya na dapat linisin ay di niya alintana. Kinalimutan ang dapat gawin at pilit nililimot ang Kanyang turo at aral.
Ganito ang karamihan sa atin. May amnesia siya.
Ikaw, may amnesia ka ba?
Thursday, February 17, 2011
Anong Kaguluhan Ito
by Max Bringula
Likas na yata sa tao ang lumikha ng gulo, ng away, ng di pagkaka-unawaan, ng tampuhan at iba't iba pang mga di pagkaka-bati. Mula pa ng ating pagkabata, nakikipag-away na tayo kapag inagaw sa atin ang ating laruan. Nagtatampo tayo kapag di naibigay ang ating gusto. Nakikipagsuntukan tayo sa kalaro. Nangangantiyaw, nangbubuska. Gumaganti kapag nasaling ang damdamin o nasaktan ang puso o pisikal na katawan.
"What is the source of all the fights and conflicts among you?" (James 4:1) Ito ang tanong sa atin. Saan ba nagmumula ang kaguluhang iyan? Di ba't ito'y sanhi ng ating pagigiging makasarili? Hindi tayo marunong magparaya. Hindi makapagpatawad dahil labis na nasaktan at naapi. Ang nais ay makabawi at makaganti.
Paka-isipin, kung tayo may lubos na nasaktan dahil sa nagawa sa atin ng kapwa at maging ng taong malapit sa ating puso at pinag-ukulan natin ng pagpagmamahal, higit diyan ang naranasan ng ating Panginoon. Siya'y nagmahal ng labis subalit ano ang iginanti ng tao sa Kaniya? Ngunit wala kang narinig na galit at pagkamuhi, bagkus ang Kaniyang winika'y "Forgive them, for they know not what they're doing." (Luke 23:34)
Ito rin ang turo Niya sa atin, ang mahalin ang kaaway, ang magpatawad kung papaano tayo pinatawad din ng Ama sa Langit. At sa gayon, kapaligiran nati'y magiging payapa, buhay nati'y matatahimik at ang puso't isipan nati'y mapapanatag.
Nais mo ba'y buhay na masagana't tigib ng Kaniyang pagpapala? Sundin ang Kanyang utos, tumalima sa Kanyang ipinapagawa.
Monday, February 14, 2011
Pebrero Katorse
by Max Bringula
Pebrero katorse, araw daw ng mga puso. Araw ng mga pusong nagmamahal at minamahal. Panahong pinaka-aabangan ng magsing-irog, at pagkakataon ng binatang nanunuyo sa dalagang nililiyag na maipadama ang hangaring wagas at tapat.
Oportunidad din sa mga mangangalakal na kumita sa mga panindang bulaklak, tsokoleyt, at iba't ibang gift items. Tiyak puno rin ang mga restaurants, sinehan, hotel, at mga konsiyertong ang tema ay pag-ibig.
Subalit papaano kung walang nagmamahal? Papaano kung broken-hearted o nabasted? Papaano kung iniwan o nilayuan? Papaano ang mga singles at singled out? Pwede kayang Pebreo akinse na lamang?
Bakit may pag-ibig pa kasi? Ito marahil ang iyong himutok.
Ang totoo dapat araw-araw ay araw ng mga puso. Dapat ipinadarama ang pagmamahal sa tuwina di lamang tuwing Pebrero Katorse. Hindi dapat nahihiyang sambitin ang katagang “I love you” o “Mahal kita 3 times a day”, may okasyon man o wala. Yan dapat ang sambit lagi ng ating bibig.
Wala ng hihigit pa marahil sa mga katagang iyan na marinig ni Nanay, ni Tatay, ni Lolo, ni Lola, ni Ate, ni Kuya, ni Ditse, ni Dikong, ni Misis o ni Mister, ng ating Babe o ni Pangga, ni bespren o maging ng kapatiran.
Gayundin naman, huwag kalimutan na ang pinakamataas na antas ng pagmamahal ay ang ibigin ang Diyos ng buo nating puso, kaluluwa at isipan, at ang ibigin ang kapwa tulad ng pagmamahal natin sa sarili.
Iyan ang tunay na Pebrero Katorse.
Hindi kailangan ika'y may kaulayaw o kayakap, may ka-holding hands o ka-textmate, kung taglay mo ang dalisay na pag-ibig, kumpleteo ang Pebrero Katorse mo.
Subscribe to:
Posts (Atom)