"Walang Himala! Ang himala ay nasa puso ng tao... ang himala ay nasa puso nating lahat."
Sa mga tagahanga ng tinaguriang Superstar ng Pelikulang Pilipino, ang mga katagang ito ay di na mawawaglit sa kanilang kamalayan. Ang linyang ito na binigkas ni Elsa, ang pangunahing karakter sa pelikulang "Himala" na ginampanan ni Nora Aunor noong 1982, ay ilan lang sa mga tanyag na dialogue mula sa mga pangunahing Pelikulang Pilipino, tulad ng "You're nothing but a second-rate, trying hard copycat!" na binigkas naman ni Cherrie Gil sa karakter niya sa pelikulang "Bituing Walang Ningning", o kaya'y "Ding, ang bato, dali..." mula naman sa kapana-panabik na eksena sa mga pelikulang Darna na ginawa noon ni Gov. Vilma Santos, o kaya'y ang linyang pinasikat ng yumaong FPJ, ang "kapag puno na ang salop."
Ang mga katagang ito at iba pa na hango sa mga Pelikulang Pilipino ay kadalasang inuulit-ulit o ginagaya ng karamihan kung may nais tukuyin o kaya'y isang pamamaraan para takasan ang mapait at malungkot na karanasan o katotohanan ng buhay, tulad ng linyang "walang himala!"
"Walang himala...!!!" - yan ang maririnig mo sa iba kapag tinutukoy ang kawalang pag-asa o kaya'y pagsuko sa lipunang ginagalawan.
"Walang himala...!!!" - ang mauulinigan mo marahil kapag nabubugnot na sa kalagayan ng bansa na sa halip umusad ay lalo pa yatang dumadalusdos paibaba.
"Walang himala...!!!" - ito siguro ang naglalaro sa iyong isip kapag pagmamasdan mo at pakikinggan ang mga "pangakong napapako" ng mga politician at maging ng walang-pakundangang pagbabalewala ng mga namumuno sa ating pamahalaan sa karapatan at kalagayan ng kanyang mamamayan.
"Walang himala...!!!" - yan na marahil ang pinaka-abang pagtanggap sa kasalukuyang katayuan o nararanasan sa buhay. Katagang sumasalamin ng kawalang pag-asa o ng kawalan ng kakayahang makamit ang ninanais at pagdaka'y pagsuko sa dapat sanang gawin.
Subalit wala nga bang himala?
Sadya nga bang ang buhay ng tao ay parang life? Paikot-ikot na parang gulong. Minsa'y nasa itaas, minsa'y nasa ibaba. Paulit-ulit lang ba ang mga nagaganap? Kung ano ang kahapon ay siya ring mamamalas pag dating ng bukas?
Ang sagot ay "hindi". In fact, life is full of miracles. Life is a miracle in itself. Mula sa pagiging alabok, tayo'y hiningahan Niya ng buhay.
In Genesis 2:7 we read this verse, "And the LORD God formed man of the dust of the ground, and breathed into his nostrils the breath of life; and man became a living being."
Ito'y isang himala.
Ang pag-iyak ng isang bagong-silang na sanggol ay "isang himala". Kung kaya't ang pag-iyak nito pagkaluwal sa sinapupunan ng kanyang ina ay isang sigaw ng pasasalamat.
Ang bawat araw na idinurugtong ng Panginoon sa ating buhay ay "isang himala". Mula sa Kanyang walang-hanggang pagmamahal, tayo'y gumigising na may taglay na bagong lakas at sigla bagama't maaaring sa ating pagtulog tayo'y di na maka-gising. Mayroong iba nabagsakan ng eroplano o nasagasaan ng pison, o kaya'y binangungot. Subali't tayo'y buhay pa. Di ba ito'y "isang himala"?
Sabi ng Psalmist, "what is man that you are mindful of him?" (Psalms 8:4) Sino nga ba tayo? Tayo'y ba'y Karapat-dapat sa Kanyang pagmamahal? We are but a dust, yet the Lord loves us. He even loved us first.
Kung babalikan natin ang mga pinagdaanan sa buhay. Mula ng tayo'y isilang, nagkamalay, lumaki, nakapag-aral, nakapag-trabaho, nagkapamilya, at hanggang sa ngayon, patuloy na gumagawa ang Panginoon ng "himala" sa ating buhay. Marahil di lamang natin napapansin o binibigyang-pansin.
Kung papaano Niya tayo iniingatan sa araw-araw at kung papaano Siya tumutugon sa lahat ng ating pangangailangan ay "isang himala". Pagka't Siya'y Diyos ng himala, at sa Kanya'y walang mahirap gawin. Walang imposible sa ating Diyos.
In Matthew 9:28-29 tinanong ng Panginoon ang bulag na lalaking lumapit sa Kaniya na nais makakita, "Do you believe that I am able to do this?" "Opo, Panginoon", ang sagot ng lalaki. "According to your faith will it be done to you", at hinawakan ng Panginoon ang mata ng lalaki at siya'y muling nakakita.
Naranasan na ba natin ang himala ng Diyos? Nais ba nating maranasan ang Kaniyang himala?
Manalig ka lamang at ito'y magaganap. "According to your faith will it be done to you"
Kung magkagayon, "mayroong himala!"
Isang pagbubulay-bulay.