Sunday, April 24, 2011

Breaking News - The Tomb is Empty, He Has Risen



"He is not here: for He has risen." – Matthew 28:6

Kung may CNN na nung araw o BBC, NBC, Al Jazeera, at iba pang mga international news channel, ito marahil ang mainit na balitang bubulaga sa mga disipulo ng Panginoong Hesus, kay Herodes at ng kanyang mga sundalo, kay Pontio Pilato, sa mga Pariseo at ng mga Hudyo, kinaumagahan ng Linggong iyon dalawang libong taonng mahigit na ang nakararaan.

Na ang libingang pinaglagakan kay Hesus ay wala ng laman pagkat Siya'y muling nabuhay tulad ng Kanyang pagkakasabi na siyang magaganap.

"The Son of Man will be betrayed into the hands of man. They will kill Him, and after three days He will rise." - Mark 9:31

Ang balitang ito'y labis na nagbigay ng kagalakan sa mga kababaihang nagtungo sa libingan ni Hesus madaling araw ng Linggo upang pahiran ng langis at pabango ang Kanyang katawan.

Takot ang bumalot sa kanila noong una nang matagpuang wala sa libingan si Hesus, subalit ito'y napawi nang ihayag sa kanila ng Anghel na Siya'y wala roon pagka't Siya'y muling nabuhay.

"He is not here, but has been raised!" - Luke 24:6

Ang balitang ito'y nagbigay naman ng bagong pag-asa sa mga disipulo na noo'y labis na naninimdim sa pagkamatay ng kanilang Panginoon. Hindi naman pala sila tunay na iniwan ni Hesus pagka't Siya'y bumalik. Siya'y muling nabuhay tulad ng Kaniyang pagkakasabi.

Subalit takot at pangamba at panginginig ng buong kalamnan ang bumalot sa katauhan ng mga sundalo, nina Herodes at Pontio Pilato, ng mga Pariseo at mga Hudyo pagka't sila'y di naniwala sa isinugo ng Diyos.

In fact, they really have all the reasons to be afraid of.

But how about us? What does this breaking news that "He Has Risen!" brought us in our life today?

Ito'y ba'y nagdulot sa atin ng labis na kagalakan tulad ng naramdaman ng Kanyang mga disipulo, ng pag-asa at katiyakan sa kaligtasang taglay? O takot at pangamba ang bumalot sa ating katauhan pagkat magpahanggang-ngayo'y di pa rin tunay na naghahari si Kristo sa ating mga puso.

Pakatandaan, buhay ang ating Diyos. He has risen! Death has no hold in Him. Death has been swalled up in victory.

At ang sinuman sa Kaniya'y sumampalataya ay kasama Niyang muling mabubuhay.

Therefore, do not missed the very important message of this Breaking News - He Has Risen!

Isang Pagbubulay-bulay
by Max Bringula Chavez

No comments: