Saturday, April 30, 2011
Marriage of the Lamb
Isang Pagbubulay-bulay by Max Bringula
“This is the time for the marriage of the Lamb. His bride is ready.” – Rev. 19:7
Isa sa pinakaaasam-asam ng sino man lalo na ng kababaihan ang sila’y maikasal. This could be the happiest moment in the life of a woman. Lalo pa nga’t kung ito’y paghahandaan bagama’t ang simpleng kasal ay mabuti rin at mainam kung practicality ang pag-uusapan lalo na sa usapin ng budget at gastusin.
Subalit nanaaisin pa rin ng mga kadalagahan na sila’y makalakad sa aisle patungo sa Altar kung saan naghihintay ang binatang magiging kabiyak ng puso. Wala na ngang sasaya pa sa okasyong iyon ng pag-iisang dibdib ng dalawang nilikhang nagmamahal.
Masaya ang lahat, nananabik, nagagalak na makita’t marinig ang magsing-irog na nagpapalitan ng “I do’s”. It would be the wedding of a lifetime.
Tulad ng katatapos na kasal ni Prince William kay Kate Middleton na ngayo’y tatawagin ng Duke and Duchess of Cambridge. Maligaya ang lahat. Inabangan at pinanood ng milyun-milyong tao sa buong mundo. It was called the wedding of the century.
But there is one wedding that is worth-waiting and extremely fulfilling, incomparable to any royal wedding held before and would be held in the years to come.
And that is the Marriage of the Lamb, the Wedding for all Eternity.
The bridegroom of course is the Lord Jesus Christ, and the Bride is the Church. The Church is us – the saints that were washed and redeemed by the blood of the Lamb. She is dressed in dazzling white linen, pure and clean.
This would be the happiest, grandest moment in the life of the believer.
"Alleluia! The reign of the Lord our God the Almighty has begun; let us be glad and joyful and give praise to God, because this is the time for the marriage of the Lamb. His bride is ready, and she has been able to dress herself in dazzling white linen, because her linen is made of the good deeds of the saints." -
Revelation 19:7-8
But are we ready? Are we wearing the wedding cloth ready to meet our Bridegroom?
Be wise then and not be fooled like the five virgins who failed to light their lamp when the Bridegroom comes. (Read the Parable of the Ten Virgins in Matthew 25)
The Bridegroom is coming! The Dinner is ready for the Marriage Supper of the Lamb.
Be ready then.
Tuesday, April 26, 2011
Bakas
by Max Bringula
"Finally, brethren, whatosever things are true, whatoever things are honest, whatsoever things are just, whatsoever things are pure, whatsover things are lovely, whatsoever things are of good report; if there any virtue, and if there any praise, think on these things." - Phil. 4:8
May isang katotohanan na di maitatanggi, katotohanang di maikukubli, na sa bawat araw na dumaratal sa ating buhay, sa bawat paglipas ng panahon ay may bakas tayong naiiwan sa puso’t isipan ng mga taong ating nakakasalamuha, nakakasama at nakikilala.
Bakas na kung ating lilingunin at lilimiin ay maghahayag ng uri ng ating pamumuhay at pakikipag-kapwa. Sa ating gawi at salita, ano kaya ang bakas na iniiwan natin?
Ito kaya’y paghanga at paggalang dahil sa mabuting bagay na ating nagawa at sa maayos nating pakikitungo sa iba? O ito’y galit at pagkamuhi sanhi ng di kaaya-ayang ugali at maling ginawa sa kapwa?
Nakapag-iiwan ba tayo ng tatak sa isipan ng marami na magdudulot sa kanila ng ibayong pag-asa, ng kalakasan at positibong pagharap sa buhay? O alaala nati’y halos ayaw ng balikan o isipin pa pagkat idinulot niyon ay sakit ng kalooban at di kanaisnais na karanasan.
Maiksi lamang ang buhay ng tao. Sandali lamang ang ititigil natin sa mundong ito, kung kaya’t huwag nating sayangin ang bawat araw na idinurugtong ng Diyos sa ating buhay – let’s make the most of it.
Sabi nga sa isang commercial na aking narinig, “do something good, do something better.”
Sikapin natin na ang bakas na ating iiwan sa mundong ito at sa isipan ng tao ay maganda at kapaki-pakinabang.
“Anumang mga bagay na totoo, anuman ang marangal, anuman ang matuwid, anuman ang dalisay, anumang mga bagay ang kaibig-ibig, anuman ang may mabuting ulat, kung mayroon mang kabutihan at anumang kapuri-puri, ang mga bagay na ito ang isipin natin” at siya nating gawin.
Upang ang bakas nati’y aalalahanin at tutularan ng mga darating pang henerasyon.
Sunday, April 24, 2011
Breaking News - The Tomb is Empty, He Has Risen
"He is not here: for He has risen." – Matthew 28:6
Kung may CNN na nung araw o BBC, NBC, Al Jazeera, at iba pang mga international news channel, ito marahil ang mainit na balitang bubulaga sa mga disipulo ng Panginoong Hesus, kay Herodes at ng kanyang mga sundalo, kay Pontio Pilato, sa mga Pariseo at ng mga Hudyo, kinaumagahan ng Linggong iyon dalawang libong taonng mahigit na ang nakararaan.
Na ang libingang pinaglagakan kay Hesus ay wala ng laman pagkat Siya'y muling nabuhay tulad ng Kanyang pagkakasabi na siyang magaganap.
"The Son of Man will be betrayed into the hands of man. They will kill Him, and after three days He will rise." - Mark 9:31
Ang balitang ito'y labis na nagbigay ng kagalakan sa mga kababaihang nagtungo sa libingan ni Hesus madaling araw ng Linggo upang pahiran ng langis at pabango ang Kanyang katawan.
Takot ang bumalot sa kanila noong una nang matagpuang wala sa libingan si Hesus, subalit ito'y napawi nang ihayag sa kanila ng Anghel na Siya'y wala roon pagka't Siya'y muling nabuhay.
"He is not here, but has been raised!" - Luke 24:6
Ang balitang ito'y nagbigay naman ng bagong pag-asa sa mga disipulo na noo'y labis na naninimdim sa pagkamatay ng kanilang Panginoon. Hindi naman pala sila tunay na iniwan ni Hesus pagka't Siya'y bumalik. Siya'y muling nabuhay tulad ng Kaniyang pagkakasabi.
Subalit takot at pangamba at panginginig ng buong kalamnan ang bumalot sa katauhan ng mga sundalo, nina Herodes at Pontio Pilato, ng mga Pariseo at mga Hudyo pagka't sila'y di naniwala sa isinugo ng Diyos.
In fact, they really have all the reasons to be afraid of.
But how about us? What does this breaking news that "He Has Risen!" brought us in our life today?
Ito'y ba'y nagdulot sa atin ng labis na kagalakan tulad ng naramdaman ng Kanyang mga disipulo, ng pag-asa at katiyakan sa kaligtasang taglay? O takot at pangamba ang bumalot sa ating katauhan pagkat magpahanggang-ngayo'y di pa rin tunay na naghahari si Kristo sa ating mga puso.
Pakatandaan, buhay ang ating Diyos. He has risen! Death has no hold in Him. Death has been swalled up in victory.
At ang sinuman sa Kaniya'y sumampalataya ay kasama Niyang muling mabubuhay.
Therefore, do not missed the very important message of this Breaking News - He Has Risen!
Isang Pagbubulay-bulay
by Max Bringula Chavez
Thursday, April 21, 2011
Were You There?
WERE YOU THERE?
“Were you there when they crucified my Lord?
Were you there when they crucified my Lord?
Oh..oh… sometimes it causes me to tremble, tremble, tremble.
Were you there when they crucified my Lord?”
Ito’y hango sa awiting madalas nating naririnig kapag Semana Santa o Holy Week. Ang malumanay nitong melodiya at taimtim na pag-awit ay sadyang nagdudulot ng kakaibang hapdi at sakit na animo’y isang balaraw na itinuturok sa puso ninuman.
NAROROON KA BA nang ang Panginoon ay ipinako at nabayubay sa krus? Nang Siya’y hampasin at pahirapan. Nang Siya’y suutan ng koronang tinik. Nang Siya’y duraan, sipain, at laitin.
Dahil sa ating mga sala at ng buong sangkatauhan, ang Panginoon ay dumanas ng hirap at pasakit at kamatayan sa krus. Ang parusang dapat ay sa atin ipinataw ay Siya ang nagbata at umako.
But He was pierced for our transgressions,
He was crushed for our iniquities;
the punishment that brought us peace was upon him. (Isaiah 53:5)
NAROROON KA BA? Nadarama mo ba ang hirap at sakit na Kanyang tiniis para sa atin? Naririnig mo ba ang mga paglait na Kanyang tinamo? Nasaksihan mo ba ang pagturok ng koronang tinik sa kanyang ulunan at ang bawat hagupit na tumatama sa Kanyang likuran?
NAROROON KA kung magpahanggang-ngayon kasalana'y di nililisan. NAROROON KA kung patuloy na sumusuway sa Kanyang kalooban.
NAROROON KA kung binabalewala ang kaligtasang iniaalay Niya.
Tayo’y dapat lumisan na sa lugar na ito, sa pinangyarihan ng Kanyang kamatayan, dahil sa ating kasalanan. Bagkus tayo'y humakbang na patungo sa lugar ng Kanyang muling pagkabuhay. Doon tayo naroroon dapat.
Kapatid, kaibigan.... NAROROON KA PA RIN BA?
“Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan. Ibinigay Niya ang Kanyang kaisa-isang Anak upang ang sinumang sumampalataya sa Kaniya ay di na mapapahamak, bagkus magkakaroon ng buhay na walang-hanggan.” - John 3:16
Isang Pagbubulay-bulay
by Max Bringula Chavez
Subscribe to:
Posts (Atom)