Wednesday, April 28, 2010
FINISH LINE
by Max Bringula
Dati-rati'y ang bilis ng iyong takbo? Maliksi. Bawat hakbang ng iyong paa'y malawak ang naaabot. Halos di ka maabutan ng mga kasama mo. Subalit ano ang nangyari? Bakit para bagang bumagal yata ngayon ang iyong pagtakbo?. Nahahapo ka na ba? O may mga kadahilanang nagdudulot ng iyong unti-unting pagbagal at tuluyang pagtigil kung di susuriin ang pinagmulan o sanhi nito.
Ito ang isinulat ni Pablo na nakasaad sa Galatians 5:7, "You ran well. Who hindered you from obeying the truth?"
Maraming mga Kristiyano ang maaaring maka-relate sa sinasabing ito ni Apostle Paul. Kung saan dati-rati'y mainit tayo at masigasig sa gawain ng Panginoon. Ever-present at ever-ready. Nandiyan at laging handa kung may gawain. Subalit ngayon, susulpot, lilitaw kung kaylan lang ibigin, kung kaylan walang ibang gagawin na mas inuuna pa natin. Parang kabute na lilitaw lamang pagkatapos umulan. Mabuti pa nga ang kabute, alam mo kung kaylan lilitaw. Subalit ang Kristiyano, di mo maapuhap kung susulpot ba o hindi. O tuluyan ng naglaho na parang bula.
Dati-rati'y imahen ka ng katuwiran, ng kabanalan. Ilaw mo'y maliwanag at buhay mo'y pagpapala sa lahat. Ngunit ngayon ang katotohanan at kasinungalingan ay para bagang sa iyo'y iisa na lamang. Ilaw mo'y di na maaninag pagkat nalalambungan ng kadiliman.
Pakatandaan, tayong lahat ay mistulang mananakbo (runner) sa isang takbuhan. And we run in such a way as to reach the finish line at a shortest time possible. Ituon mo ang iyong paningin sa Finish Line at ika'y magtatagumpay. Tumakbo ka na nasa puso't isip mo ang pagwawagi.
"Let us run with endurance the race that is set before us, looking unto Jesus, the author and finisher of our faith.". (Hebrews 12:1-2)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
nangyayari lamang po kasi katamaran kung may ibang umagaw na sa ating atensiyon sa gawain para sa Panginoon ang maka mundong naisin sa materyal man o hindi ay malakas na strategy ng kaaway. mag pakatatag po tayo sinusubok lamang ang ating katatagan...
Post a Comment