Sunday, February 28, 2010
Isa Pa Nga
Mula sa Panulat ni Max Bringula
“Then the word of the LORD came to Jonah a second time.” – Jonah 3:1
Maraming pangyayari sa buhay ni Jonah ang sumasalamin ng buhay ng isang Kristiyano. Tulad ng pagsuway at panunumbalik sa Diyos matapos makaranas ng pagtutuwid at palo. Ito ang naganap kay Jonah. Matapos na siya’y sumuway at maranasang lunukin ng malaking isda, muli siyang binigyan ng isa pang pagkakataon ng Diyos upang tumalima sa Kanyang iniuutos.
“Then the word of the LORD came to Jonah a second time.” Muli siyang iniluwa ng isda sa pampang upang sa pagkakataong iyon ay tupdin na ang iniuutos ng Diyos sa kanya.
“Isa pa nga”, isang pagkakataon pa. Ito’y sapagkat ang Diyos ay mabuti at tapat na laging nagbibigay ng pagkakataon sa lahat na manumbalik sa Kaniya. Not just once, but many times over. He is not just the God of a second chance, of third chance, fourth chance, but a God that always gives chances to all. Oportunidad na makapanumbalik sa Kaniya. Oportunidad na makatalima sa Kanyang iniuutos.
“Isa pa nga” yan ang tiyak na dalangin ni Jonah nang siya’y nasa loob ng tiyan ng isda. Isa pang pagkakataon. At siya’y di naman binigo ng Diyos. God gave him a second chance. A chance to do His will and a chance to obey His commands.
How about us? Ilang pagkakataon na kaya ang binigay ng Diyos sa atin upang tumalima sa Kanyang iniuutos? Subalit di pa rin tayo matuto-tuto. Tulad ng awit ni Gary V., lagi na lamang awit natin ay “Di Na Natuto”.
Huwag tayong mawili sa pagsabi ng “Isa pa nga”, pagkat ang Diyos bagamat Siya’y mabuti at tapat, ay Diyos na nagtutuwid sa mga anak Niyang pasaway. Nais ba nating maranasan pa ang lunukin ng isda tulad ni Jonah? Baka higit pa riyan ang mangyari sa atin kung di tayo tatalima agad sa Kanyang utos at magpapa-petek-petek pa dahil katuwiran nati’y pwede namang magsabi ng “Isa pa nga”. Isa pang pagkakataon.
Kung magkakagayon, baka hindi isang pagkakataon ang ibigay sa atin, kungdi isang matinding hambalos at hagupit.
Gusto mo ba yon?
Kapatid, kaibigan... kung gayon, tayo'y tumalima na sa Kaniyang iniuutos.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment