Thursday, January 20, 2011
Simple, Little Things Matter
by Max Bringula
Pagkatapos ng tatlong linggong paghihiintay, sa wakas napalitan na rin ang pundidong mga ilaw sa aming Living Area at Kitchen. Matagal-tagal ding panahon na nagtitiis kami ng mga kasama ko sa staff house sa tinitirhan ko rito sa Kuwait sa isang ilaw na gumagana. Kailangan ko pang buksan yung Fridge para may ilaw sa Kitchen in case na magluluto ako. Grabe, daig pa nito ang pre-historic time.
Kaya't laking pasasalamat namin nang finally we got our lights. Napagtanto ko na ganoon pala kahalaga ang minsa'y nate-take natin for granted, tulad ng ilaw. Dahil pag andiyan lang naman at gumagana, di natin ito napapahalagahan.
In our life, may mga bagay rin o mga kasama tayo sa bahay o sa trabaho man na minsan di natin napapahalagahan dahil andiyan lang naman sila at nakikita araw-araw. Nagagamit o nagkakaloob ng mga pangangailangan natin. At minsan nga'y di natin napapasalamatan.
Malalaman na lamang natin ang kahalagahan nila o nito pag wala na. Subalit hihintayin pa ba natin na sila'y mawala o tayo'y iwan bago natin mabatid at madama ang pagmamahal at pag-aasikaso ng mga taong malapit sa ating buhay? Hihintayin pa natin na masira ang isang gamit, maliit man o malaki, bago natin ito bigyan ng pansin at tamang pag-iingat?
Tulad ng Ilaw na patuloy na nagbibigay sa atin ng Liwanag. Ang pag-iingat at kalinga ng Panginoon sa atin araw-araw. Napapahalagahan ba natin ito? Nakapagpapasalamat ba tayo sa Kanyang mga kaloob o di man lamang natin ito pinapansin?
Hindi pa huli ang lahat. Ngayon araw na ito, let's have time to appreciate the things and the people around us. Let them feel how much we loved them and are thankful for them.
They could be simple, little things, or ordinary people, yet they matter, and could mean so much to us.
Subscribe to:
Posts (Atom)