Monday, June 23, 2008

Sunday, June 22, 2008

Kakaba-kaba ka ba?


Nanumbalik sa aking alaala ang katagang ito na "Kakaba-kaba Ka Ba?" nang mabanggit siya ng tagapagturo namin nung nakaraang Linggo.


Titulo siya ng obra-maestrang pelikula ng batikang direktor na si Mike de Leon nung dekada otsenta. Isa siyang satirical "comedy-musical that focuses on two pairs of lovers who get caught in the crossfire between dope-trading Japanese and Chinese agents" na ginampanan nina Christopher de Leon at Charo Santos, Jay Ilagan at Sandy Andolong.


Subalit hindi po ang pelikulang ito ang topic natin ngayon sa Pagbubulay-bulay, kungdi ang katotohanang minsa'y tayo'y kakaba-kaba.


Kakaba-kaba ka ba? Kung patuloy na tumataas ang mga bilihin di lamang sa Pilipinas kungdi rito rin sa Saudi Arabia, pero ang sweldo nama'y di tumataas at minsa'y nababawasan pa nga ng mga iba't ibang deductions sa buwanang sweldo o kinsenas.


Kakaba-kaba ka ba? Kung isa, dalawa at minsan ay tatlong buwan o higit pa na nade-delay ang pagtanggap ng sweldo, at napakaraming bayarin na dapat punan subalit aandap-andap ka kung may sweldong tatanggapin o wala, nakakakaba nga talaga.


Kakaba-kaba ka ba? Kung animo'y see-saw ang palitan ng dolyar sa peso - bababa, tataas, tataas, bababa. Di mo tulo'y alam kaylan bibitawan o hindi ang pinagpagurang pera na natanggap o ang "katas ng Saudi", sabi nga nila, matiyak lamang na malaki ang remittance na matatanggap ng pamilya.


Kakaba-kaba ka ba? Kung malapit na ang pasukan ng mga bata, subalit di ka pa nakapagpapadala ng pang-tuition fee nila. O kaya'y magtatapos na si utoy o si neneng ng elementarya o haiskul at magkokolehiyo na, subalit ganoon pa rin naman ang halaga ng iyong kinikita. "Dagdag na gastos na naman ito," sambit mo pa kasaba'y ng isang malalim na buntong-hininga.


Kakaba-kaba ka ba? Kung nabalitaan mo na nagbabawas ng tao sa inyong kumpanya dahil sa Saudization program ng Saudi Arabia at maaaring isang araw ay mapapalitan ka na ng katutubo. Lalo pa nga't may ina-assign na sa'yo na tuturuan at sasanayin, eh hindi mo pa natutupad ang plano mo sa pamilya o sa personal mang buhay. Sadyang kakaba-kaba nga talaga.


Kakaba-kaba ka ba? Kung unti-unti nang nagkakaroon ng gitla ang iyong noo, numinipis at nauubos ang buhok mo, subalit wala ka pang naipundar na masasandalan sa oras na ikaw'y babalik na sa bayang sinilangan bagama't dalawa o halos magtatatlong dekada ka nang pabalik-balik sa Gitnang Silangan. Kakaba-kaba nga talaga.


Marami ngang bagay ang lubos na ikinatatakot ng tao o kanyang ikinababahala. Mga bagay na nagdudulot ng kaguluhimanan, mga pangyayaring nakapagbibigay kaba at pag-aalala. Mga bagay na nakapagpapahina ng kalooban at nakapagbibigay ng kapighatian.


May pag-asa pa kaya?


Kung mananatiling nakatanaw lamang tayo sa nakikita at naaabot ng ating paningin, sa nagaganap o di nagaganap sa ating kapaligiran, o kaya'y mananangan tayo sa ating nararamdaman o tinitibok ng puso natin na kadalasa nama'y nagsisinungaling, sadya ngang ito'y magbibigay sa atin ng alalahanin, ng takot, ng kaba.


Kakaba-kaba ka ba?


Batid ng Diyos ang puso natin. Talos Niya ang ating saloobin. Dama Niya ang nararamdaman natin. Kung kaya't ang Kanyang tagubilin ay "Fear not". Wag matakot. Wag mag-alala.


Ang sabi Niya sa Matthew 10:30-31 - "Are not two sparrows sold for a penny? Yet not one of them will fall to the ground apart from the will of your Father. And even the very hairs of your head are all numbered. So don't be afraid; you are worth more than many sparrows."


Sadya nga. Wala raw bagay na nagaganap sa mundo na nalilingid sa kaaalaman ng Diyos. Maging ang mga ibong lilipad-lipad sa himpapawid ay di babagsak ang isa sa kanila maliban na ito'y loobin ng Diyos. Maging daw ang bilang ng ating buhok ay alam Niya, may natitira pa man o wala na, batid din Niya.


Kung kaya't Kanyang bilin "wag kang matakot", "wag kang mabalisa", pagka't mas higit ka kaysa sa maraming ibon sa mata ng Panginoon.


Ikaw ba'y balisa? Ikaw ba'y kakaba-kaba? Ating paka-isipin at laging tandaan, Siya'y kasama natin sa lahat ng panahon - di iniiwan, di pinababayaan.


Sa oras ng kagipitan, ng hirap at hinagpis, Siya ang ating kasapatan. Sa oras ng alalahanin at kabalisaan, Siya ang ating katiyakan. Sa oras ng may takot at kaguluhimanan, Siya ang ating kalakasan at kanlungan.


"Lo, I am with you always till the end of age" (Matthew 28:20), wika ng Panginoon. Kung gayo'y, sa Kanya ka magtiwala. Sa Kanya ialay ang panahon at buhay. Pagkat sa Kaniya, mayroong pag-asa. Sa kanya ay mapapawi ang kaba.


Kakaba-kaba ka ba? Isang pagbubulay-bulay.


Pagapapala Niya'y sumaating lahat.


kuya Max

Friday, June 20, 2008

I'm IN

Yes, finally am In. Welcome to the blog world.

Matagal ko na kasi nakikita itong mga blogs, and am curious. Sbi ko paano ba magkakaroon din ng blog.

So here am I. I finally found it. Ang dali lang pala. www.blogger.com lang pala. Whew! sensya sa aking pagiging inosente (raw) huh. Alam nyo naman, am still naive. hahaha.....

Sabi nila, so blog daw dapat spontaneous ang flow ng thoughts. Kaya naman, eto kung anu lang pumasok sa kukote ko, yun aking tina-type. Saka na nga pala ko magpapakilala ng sarili ko. Saka ko na lalagyan ng info yung profile. Am just excited kasi na may blog na ako. Yippeee!!!! So am taking this chance na makapag-post ng aking saloobin, as spontaneous as it should be.

Nga pala, I named my blog as "Mga Saloobin at Pagbubulay-bulay" because that's what I intend my blog would be, which eto naman ang purpose ng blog. Nabasa ko yon when am starting to create my blog. Tama ba ko?

So as the name of my blog imply, I would be posting my thoughts and share messages that would help us in some way to think of the purpose of our existence here on earth. Of course, without sounding as what Madonna says in one of her song, "Papa, don't preach".

Simply, share ko lang yung mga bagay-bagay which I think could help those who would happen to read my blog.

I hope.

So, that's it. Am asking for your indulgence to bear with me as I start filling in my blogs. Wag po kayong magsasawa.

Cheers! Till next ish.

God bless.