Sa panulat ni Max Bringula
“Kaya’t lagi kayong maging handa at patuloy na manalangin para sa lahat ng hinirang ng Diyos.” (Ephesians 6:18)
Hindi mapapasubalian ang kahalagahan ng panalangin sa buhay ng isang Kristiyano. Ito ang susi upang matiyak ang tagumpay sa lahat ng ating gagawin at mga balakin.
Ang panalagin ay maihahalintulad sa ating paghinga. We inhale sa pamamagitan ng Salita Niya na ating natatanggap, and we exhale when we utter a prayer to the Lord.
Ang mga dakilang lingkod ng Diyos na ating mababasa sa Bibliya ay pawang “man of prayer”. Si Abraham, Isaac at Jacob, si Moses, si Joshua at si David, si Daniel, Jeremiah at Isaiah, at maging ang mga apostoles at disipulo ng Panginoon. Silang lahat ay mapanalanginin kung kaya’t makikita natin ang kanilang tagumpay at ang patuloy na pagpupuspos ng Diyos sa kanilang buhay.
Bilang mga lingkod Niya, kailangan na tayo’y mapanalanginin din. Nagtataglay ng isang “prayerful life”. Na ang buhay natin ay isang panalangin. Sa umaga, tanghali at gabi, tayo’y tumatawag, nagsusumamo sa Diyos. Hinihingi ang Kanyang gabay sa lahat ng gagawin. Dumadalangin ng pag-iingat at pagliligtas sa mga palaso ng kalaban. At namamagitan para sa iba.
"Evening, morning and noon, I cry out in distress, and he hears my voice." (Psalms 55:17)
A prayerful life – ito ang dapat nating taglayin.
Ikaw ba’y nanalangin na, nanalangin at patuloy na mananalangin?
O tulad mo’y isang bagang nag-iisa at nahiwalay sa kumpol ng mga baga. Init mo’t ningas ay unti-unting nanghihina at napapawi. Kung gayon, higit kailanpaman, ito ang panahon na manumbalik tayo sa pagiging mapanalanginin. Paglaanan natin ng oras, ng kalakasan at pagnanais na manalangin sa Kanya tuwina. Ito ang susi sa buhay na tagumpay.
Isang Pagbubulay-bulay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment