Hawak-Kamay
Akda at Panulat ni Max Bringula
"When Moses' hands grew tired, they took a stone and put it under him and he sat on it. Aaron and Hur held his hands up--one on one side, one on the other--so that his hands remained steady till sunset." (Exodus 17:12)
Ating mababasa sa Exodus 17:8-13 ang matagumpay na pakikidigma ni Joshua laban sa mga Amalekites kung saan nalupig niya ang mga ito sa pamamagitan ng talim ng kanyang tabak.
“So Joshua defeated Amalek and his people with the edge of the sword.” (Exodus 17:13)
Masasabing ang tagumpay na natamo ni Joshua ay sanhi di lamang ng kanyang husay sa pakikidigma kungdi sa tulong ng magkapatid na Moses at Aaron at ng kanilang bayaw na si Hur. Bagamat sila’y di naman nakidigma mismo sa mga Amalecita at wala rin naman silang hawak na tabak upang panlipol sa mga ito, kungdi ang tanging hawak lamang nila’y ang kamay ni Moses.
Naroroon sila sa burol ng bundok kung saan tanaw nila ang labanan sa pagitan ni Joshua at ng kanyang mga piling tauhan laban sa mga Amalecita. Hawak-hawak nina Aaron at Hur ang kamay ni Moses upang ito’y di mangawit at manatiling nakataas, pagkat habang nakataas ito nanagumpay si Joshua, subalit sa oras na ito’y bumaba, nananagumpay ang mga Amalecita. (Joshua 17:11)
Pinanatili ni Aaron at Hur na nakataas ang kamay ni Moses kung kaya’t sa magkabilang-kamay ay hawak-hawak nila ito. Hawak-kamay silang nakikidigma kasama ni Joshua.
Ano ang itinuturo sa atin ng bahaging ito ng Kanyang Salita na mababasa sa Exodus 17? May kakaiba bang “magic” sa kamay ni Moses at sa tungkod na kanyang hawak, kung saan habang ito’y nakataas sila’y nananagumpay, subalit sa oras na ito’y manlupaypay, sila’y nalulupig.
Ganito maituturing ang buhay ng bawat Kristiyano. Sa pamamagitan ng “hawak-kamay” na panalanginan sa bawat isa, nasusupil natin ang palaso ng kalaban at hindi ito nakakapanaig. Sa ating “hawak-kamay” na pagtulong sa mga kapatirang nalulugmok, nanghihina at nanlulupaypay sa pananampalataya, sila’y ating naibabalik muli sa Kanyang kanlungan. Habang “hawak-kamay” na itinataas natin ang ngalan ng Panginoon, nadadala natin sa paanan Niya ang maraming kaluluwa.
“But when I am lifted up from the earth, I will draw all men to myself." (John 12:32)
Tayo’y kabahagi ng isang Katawan at may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan. Mayroong Joshua na nasa front line at nakikipaglaban, at mayroon din namang Moses na dapat manatiling malakas, matatag at nakataas ang kamay sa Panginoon, at may mga Aaron at Hur na umaalalay at nagbibigay suporta sa mga lingkod Niya upang sila’y patuloy na magamit ng Panginoon. Sino kaya tayo sa mga ito? Ikaw ba si Joshua, si Moses, si Aaron at si Hur?
Ito ang aral – “hawak-kamay” tayong maglingkod, manalangin at mag-alay ng papuri sa Diyos.
“Hawak-kamay” tayong humayo at lipulin ang gawa ng kalaban at itaas ang pangalan ni Hesus upang tao’y lumapit sa Kanyang paanan.
“Hawak-kamay” tayong lumakad tungo sa tahanang Kanyang inilaan. Walang iwanan. Walang bibitaw. Kapit-kapit, hawak-kamay tayong maglakbay.
“Hawak-kamay

Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak-kamay
Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan”
Tulad ng popular na awiting ito, tayo’y maghawak-kamay at wag bibitaw.
Isang Pagbubulay-bulay.

Recommended Reading: Exodus 17:8-16
No comments:
Post a Comment